MALAWAK ang ngiti ni Shine habang pinanonood si Justin at ang mga kapatid niya na kasalukuyang buhat-buhat ang triplets. Kasalukuyan ang mga itong nasa maliit nilang bakuran para paarawan ang triplets habang siya ay nasa munti nilang sala at nakatanaw sa mga ito. Tuwing weekends ay ganoon ang tagpo nila dahil walang trabaho ang mga kapatid niya at halos ang mga ito na ang mag-alaga sa triplets katulong si Justin. Tuwang-tuwa talaga ang mga ito sa triplets lalo na si Justin na halos ayaw ng bitawan ang mga anak nila. Mabilis na lumipas ang tatlong buwan buhat noong isilang niya ang triplets kaya tatlong buwang gulang na rin ang mga ito. Malulusog rin ang mga anak nila ni Justin at habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging kamukha ang mga ito ng ama. They are identical pero mabilis niya