Kabanata 21

2520 Words

HAPON na nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nina Justin at Shine kasama ang mag-asawang Aldover. Kaya nagdesisyon siyang dumiretso muna sa dating bahay nila para makapagpahinga kahit na inanyayahan siya ng mag-asawang Aldover na sumama sa bahay ng mga ito. Tinanggihan niya iyon dahil iniisip niya si Shine at baka napagod din ito sa biyahe. Magpapahinga muna sila at bukas na lang siya pupunta sa bahay ng mga Aldover para puntahan si Caren. Hindi na nila kailangan pang linisin ang bahay na dati nilang tinitirahan dahil may binabayarang caretaker ang mga magulang niya para mapanatiling malinis at maayos ang bahay. Ibinigay lang sa kanya ng taong pinagkakatiwalaan ng mga magulang niya ang susi ng bahay at umalis na agad ito. "Welcome sa bahay na aking kinalakihan," nakangiting wika niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD