MASAKIT ang ulo at katawan ni Sunshine nang magising siya kinabukasan. Sinubukan niyang kumawala sa mga bisig na nakapulupot sa katawan niya pero hindi siya nagtagumpay dahil sobrang higpit nang pagkakayakap ni Justin sa kanya at pakiramdan niya ay sobrang nanghihina rin siya. Idagdag pa na sobrang sama ng pakiramdam niya na parang dadapuan siya ng sakit. Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil nakaramdam siya ng kirot sa kanyang sentido at sa pagitan ng kanyang mga hita. Pero agad din siyang nagmulat ng mga mata dahil nagtataka siyang kung bakit masakit rin ang pribadong parte niya. "Oh... My... God..." hindi makapaniwalang bigkas niya nang makitang parehong wala silang saplot ni Justin sa ilalim ng kumot. Kaya pala ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata. Kay