"ADAM?" tawag ni Sasha. It's after midnight. Kararating lang nila galing sa club kung nila saan dinala ang ka-business meeting para magliwaliw. They had a few drinks. Sasha herself was a little tipsy. Kanina pa siya kumakatok sa pinto ng nirentahang silid ni Adam. Tatalikod na sana siya nang bumukas iyon. Dahil nakasandig si Sasha sa pinto, napasama siya sa pagbukas ng pinto at natumba pasadsad sa sahig. Napamura siya. "You alright?" Tinulungan ni Adam ang kaibigang tumayo. Humawak ang kamay niya sa braso nito at ang isa ay sa balakang. Napahagikgik si Sasha. Kumapit siya sa balikat ni Adam at tumayo. Nang magkahanay na sila sa pagkakatayo, tumigil siya, saka tiningnan sa mga mata ang kaibigan. Umangat ang kamay niya't humaplos sa pisngi nito. "Sash, what are you doing?" "I want to u