Ang init na nararamdaman ng katawan ko biglang natupok sa sinabi niya. I sighed and nodded then respected her decision. I, instead, kissed her head then let her sleep. Ako naman ay tumalukbong na rin para matulog pero bago tuluyang makatulog, muli kong naalala ang lungkot sa mga mata ng kapatid kong si Gracee. I promise, Grace. I really promise that I'll do something to stop your love from marrying any woman. Gagawa ang kuya Matteo mo ng paraan para hindi ka na malungkot. Kahit pa makasakit ako ng iba, basta ba masaya lang ang kapatid ko handa akong gawin ang kahit na ano. Diretso ako sa opisina ko kinaumagahan para pumirma ng mga dokumentong kailangan kong pirmahan sa negosyo. Abala ako sa pagbabasa at pagpipirma nang tumunog ang cellphone ko at nakitang may nag-text. It's from an unkno

