Seryosong nakatingin ako sa mga mata ng kausap ko. Alam kong sa pagkakataong ‘to, lalaki sa lalaki ang magiging usapan namin dahil involved na si Gracee. May paninindigang tumango ako. “Alam ko ‘yon, Matteo, at huwag kang mag-alala, tulad ng sinabi at pinangako ko noong nakaraan, sisikapin kong alagaan at hindi ko masasaktan si Gracee sa ano mang paraan.” “May tiwala ako sa ‘yo pero gusto ko pa ring maniguro that Gracee is not and will never be like just those random women you flirted with and dumped like trash. Gracee is such a precious girl and I don’t want to see her heartbroken one day.” “Pare, aminado naman akong g*ago talaga ako noon at loko-loko, pero hindi pa naman huli ang lahat para magbago ako’t ayusin ang sarili ko saka itama ang mga pagkakamaling nagawa ko noon, hindi ba? B

