"Bro, we are so glad knowing you're alive and now, you're with us again! Hindi halos ako makapaniwala! Akala ko hindi na ulit mangyayari pa 'tong uupo ka sa hapag at makakasama naming kumain, but look at you, you're here again with us!" "Yes, praise the Lord, bro." Matteo nodded and agreed. "Praise the Lord!" Lumapit si Gracee sa bisita at awtomatikong dumako ang aking mga mata sa kanyang kamay nang kumapit siya sa braso ni Rael. Pilya pang tiningnan niya ang kuya Matteo niya. "See? Sabi ko naman sa inyo, 'di ba? Mabait at mabuting tao ang boyfriend ko, at makakasundo ninyo siya saka walang magiging problema. Now, you see what I mean!" Napatingin din si Matteo kay Gracee, samantalang kitang-kita ko kung paanong magiliw na sinulyapan ni Rael ang huli tapos ay muling tumingin sa kaibiga

