(Francine) 4 YEARS have passed pero walang pagbabagong nagaganap sa buhay ko. Kung mero'n man, siguro 'yung katulad lang din ng lagi sa nakalipas na apat na taon na pabago-bago ang isip ko kaya hanggang ngayon, ilang taon nang nakakalipas ay hindi pa rin kami ikinakasal ni Matteo, or more to say, hindi pa rin matuloy-tuloy ang kasalan namin. Well, sige, aaminin ko na, I always tend to intentionally do something para hindi matuloy at ma-delay lang nang ma-delay ang kasal. Sa nangyari nga'y ramdam kong nanlalamig na din siya sa akin at tila nawawalan na rin ng gana, pero ewan ko ba, wala na akong ibang maramdaman. Naging bato at yelo na yata ang puso ko pagkatapos ng lahat ng mga nangyari at masasakit na mga nalaman ko. Pumunta ako sa isa sa mga lugar kung saan madalas naming nagiging tag

