Nasaan ka na, Rael? Malapit ka na ba? I sent him my text message. Magkikita kasi kami ni Rael ngayon, eh, dahil nakapagdesisyon na kami at balak na naming ipagtapat sa lahat ang tungkol sa aming dalawa. No matter what the consequences will be, at anumang maging reaksyon ni Matteo. Alam naming sa ginagawa naming ito, may masasaktan at may masasaktan talaga ngunit nagmamahal lamang kami at nais na ipaglaban ang pagmamahalang ito. Alam kong maraming magagalit lalo na ang pamilya ko, si Matteo, at ang pamilya ni Matteo na itinuturing ko na rin talagang pangalawang pamilya, ngunit ilang taon din naman kaming nagtiis ni Rael na malayo sa isa’t-isa, ipaglalaban lamang namin ang minsang pag-ibig na natuldukan na ngayon ay nais na naming ipagpatuloy na ulit. Mabilis na nakapag-reply siya. Rael:

