"Talaga? Sa Hamelstun University ka rin ba ngayon nagka-college?" "Yes. Doon na rin ako dati nag-senior high school hanggang sa nagtuloy-tuloy na ngayong nasa kolehiyo ako. Diyan din kasi dati nag-aral at nagtapos si kuya Matteo." Tumango-tango si Matteo. "Oo." Nasa hagdanan ako at pababa nang maagaw ko ang atensyon nila. Natuwa ang huli at napatayo pa nga. "Hon!" I smiled tiredly and hopelessly. "Hon." "Akala ko matutulog ka n muna at magpapahinga?" "Hindi ako makatulog eh. Nakapagpahinga naman ako nang makahiga ako saglit pero nainip lang ako do'n sa kwarto." sabi ko. Mabilis lang na tinapunan ko ng tingin si Rael at nakita kong ang ganda ng ngiti nito habang nakatitig sa akin. I just ignored it and rolled my eyes silently. Tumuloy-tuloy akong bumalik sa tabi ng fiancé ko at mar

