“HA? Uhm, kasi, ate France, I baked cookies kaya gusto ko sanang bigyan si kuya Rael,” tila naiilang na sagot ni Gracee sa akin habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko, iminumuwestra lamang ang dala niyang Tupperware ng may mga ginawa nga niyang cookies. Halos pa nga magtaas ang aking kilay nang makita kong tila namumula siya. Nagba-blush ba siya? Ngunit imbes na intindihin pa ‘yon, I just simply ignored it. “Ah, gano’n ba?” the only words that came out of my lip. She nodded and smiled a bit. Hindi ilang sandali lang ay lumabas na rin si Rael ng kuwarto niya. Natapos na malamang sa pagliligo, and I secretly thanked all the angels above that he went down the stairs na hindi lang presko kundi nakadamit din ng maayos. Kumpletong t-shirt and shorts pambahay. Lagot kasi kami kapa

