Naikuyom ko ang mga kamao ko pero pinanatili kong kalmado ang sarili ko at mariin pa ring pinabulaanan ang paratang niya. “Walang katotohanan ang ibinibintang mo sa akin.” “Imposibleng ang kliyente ko ang gumawa ng sinasabi at walang katuturang ibinibintang ninyo laban sa kanya. Matagal na panahon na ang nakakalipas bago muling nabuksan ang kasong ito. Aksidente ang nangyari, hindi sinadya ninuman lalo na ni Mr. Marcelino dahil kung siya nga ang gumawa nu’n, katulad ng pinaparatang ninyo sa kanya, bakit naghiwalay pa din sila ng anak ni Mr. Lazzaro matapos mamatay ng huli sa sunog may halos walong taon na ang nakakalipas? Kung obsessed siya kay Ms. Francine, tulad ng pinipilit ninyo, hindi ba’t dapat ginawa na niya ang lahat sa kahit na anong paraan para hindi na sila magkahiwalay pang da

