CHAPTER EIGHT

1598 Words
"REALITY, or is it just a distraction that laid by him?" patanong na wika ng kapwa abogado ni Santi. Kaya naman ay napaangat siya ng paningin. "Him? Sino ang tinutukoy mo, Sir?" may pagtataka niyang tanong. Kilalang-kilala na niya ang mastermind sa lahat ng kaguluhan. Ngunit sa kakulangan ng sapat na ebidensiya laban dito ay nanatili siyang tahimik. Tama ang mga magulang niya na kahit lalapit sila sa royal family kung walang maihahaing kongretong ebidensiya ay matatalo siya. "Attorney Cameron, huwag ka ng magmaang-maangan pa. Alam na alam mo kung sino ang tinutukoy ko," giit nito saka naupo sa mono-block chair sa harapan ng kaniyang lamesa. "Pasensiya ka na, Sir. Ngunit talagang wala akong alam sa tinutukoy mo. Kaya't kung gusto mong sagutin ko ng maayos ang iyong katanungan ay mas mabuting ipaliwanag mo ito. Kapwa tayo abogado ngunit hindi mga propeta," tugon niya. Yeah! Tama ang kaharap niya. Alam niyang ang matalik na kaibigan ang tinutukoy nito o ang General. But because he doesn't want to lower his guard down, he insisted on what he's saying. At isa pa ay matagal na siyang nakahalata sa tunay nitong motibo. "C'mon, Attorney Cameron. Sabi mo nga ay kapwa tayo lawyers kaya't huwag ka ng mag-alin---" "I'm sorry to interrupt you, Sir. Pero hindi naman yata makatwiran ang layunin mo o ang iyong pamimilit na magtapat ako na wala namang problema. At mas hindi ko alam ang tinutukoy mo." Pamumutol niya. 'F*ck! Talagang kahit dito sa korte ay mayroong tauhan ang taong iyon!' Lihim niyang pagngingitngit. Naiinis siya, oo. Pero ayaw rin niyang maging bastos lalo at kasamahan niya ito sa trabaho. Isa rin sa susi upang maging successful ang kasong hawak. Kaya't mas pinili niya ang maging kalmado. Hindi nga siya nagkamali. Dahil bubulong-bulong itong lumabas sa opisina niya. Subalit hindi na niya pinagkaabalahan pa. SAMANTALA dumiretso si Attorney Iban̈ez sa hideout nila. Papasok pa lamang siya ay kitang-kita na niya ang naka-dekuwatrong opisyal at sigurado namang naghihintay sa kaniya. 'D@mnit! Mukhang ako na naman ang late.' Lihim tuloy niyang pagmura dahil sa pangamba na siya ang pagbalingan nito. "Buenas tardes, señor. Perdón por llegar más tarde de lo habitual.(Good afternoon, Sir. Forgive me for being late than usual.)" Paghingi niya ng paumanhin. Abay mas magandang unahan niya ito kaysa siya ang sasalo sa maaring init ng ulo nito. "Igualmente, abogado Ibáñez. Pero no se ponga nervioso. Llega justo a tiempo, como los demás. Siéntese.(Same to you, Attorney Iban̈ez. But don't be nervous. You are just in time, same as the others. Take a seat.)" Nakangiti nitong itinuro ang bakanteng upuan. Kaya naman ay lihim siyang nagtataka. Naisip tuloy niya kung ano ang nakain nito at biglang bumait. Tsk! Tsk! Magpasalamat ka na lang kaysa mag-isip ng kung ano-ano! Then... "SINCE THAT we are all here now, we can't waste our time. Maari na tayong magpatuloy sa dahilan kung bakit may pagtitipon tayo," pahayag ng General saka iginala ang paningin. "Yes, General Fernandez. Ngunit bilang leader ng grupong ito ay ikaw na ang magsimula sa ating usapin," saad ng isang nasa mismong kanan ng opisyal. "Ayan ka na naman, Mr Romualdez. Maaring mas mataas ang katungkulan ko kaysa sa iyo pagdating sa military department. Subalit huwag mong kalimutang pare-parehas lang tayo sa grupong ito. But, by the way, thank you for acknowledging me as your leader." Nakangiti siyang bumaling dito. Well, talaga namang siya ang leader ng grupo. Ngunit ayaw niyang mailang sa kaniya ang mga kasamahan. Lalo ay tauhan din niya ang ilan sa mga ito sa tunay na trabaho. "You are so humble, General. Kaya ka nga inuulan ng biyaya. Nararapat lang naman na tanggapin ka namin bilang pinuno dahil kami rin ang sumang-ayon at nagkaisa na iluklok ka sa puwestong iyan. Kaya't hayaan mo rin sana kaming tratuhin ka ng naaayon sa iyong katungkulan." Dagdag pahayag pa ng nasa kaliwang bahagi niya. Kaya naman ay muling lumawak ang ngiting nagtatago sa kaniyanh kalooban. "Okay, okay. Thank you to all of you. Now, we can pro---" Pero hindi na niya natapos ang nais sabihin. Dahil uminit ang kaniyang bunbunan. "MAGSALITA ka kung ayaw mong matuluyan ngayon din! Aba'y basta ka na lamang sumugod dito na hindi man lang inalam kung nag-iisa ako!" mariin niyang sabi sa taong itinalagala sa mansion. "Tatanggapin ko ang iyong parusa, General. Ngunit kailangang pakinggan mo muna ang aking sasabihin," tugon nito. Subalit hindi siya kaagad nagsalita bagkus ay inisa-isa niyang tiningnan ang mga kasamahan sa naturang lugar. "Kung may problema sa bahay n'yo ay walang masama kung reschedule natin ang meeting na ito, General." "Hindi susugod dito ang iyong tauhan kung walang importanteng dahilan, General. Kaya't kung ako sa iyo ay unahin mo muna iyan." Mga ilan lamang sa salitang binitawan ng mga nandoon. "Thank you, guys. Nakakahiya man dahil naka-schedule na ang meeting na ito. Subalit kailangan kong umuwi upang alamin kung ano ang nangyayari." Paghingi niya ng paumanhin sa mga ito habang pinaglipat-lipat ang paningin. "Pero, General, mukhang nararapat na malaman nila ito. Dahil hindi lang military department ang sangkot kundi ang grupo. Kung mamarapatin ninyo ay may suhestiyon akong ihahain para sa lahat," giit nito. Kaya naman ay mas nag-isip siya kung ano nga ba ang nangyayari. 'F*ck! Kailan pa naging mapurol ang isipan ko? D@mnit!' Lihim siyang napamura dahil sa naisip. "Saglit lang mga kasama. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban. May paraan ako upang malaman kung ano nga ba ang problema sa bahay," aniya habang nakataas ang palad na wari'y nanunumpa. Nang nagsitango ang mga nandoon ay dinampot niya ang cellphone na naka-vibrate. Saka niya napagtantong ilang miss calls na pala ang hindi niya nasagot. Ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus ay binuksan ang linya ng camera sa cp. 'F*ck! Humanda kayong lahat sa akin! Hindi kayo ang magpapataob sa tulad ko. Tsk! Tsk! Mukhang minaliit ninyo ang aking koneksyon!' Lihim niyang pagngingitngit nang nakita sa linya ng camera ang nais sabihin sa kaniya ng tauahan. "Okay na, guys. Naparami yata ng kape itong si Arthur kaya't masyadong kinabahan. Maari na tayong magpatuloy sa meeting." "Arthur, umuwi ka na sa bahay na parang walang nangyari. Sa mga ganitong pangyayari ay alam na ninyo ang inyong gagawin. Mas mahalaga ang meeting na ito kaysa ang kaganapan doon. Don't worry, we will be there as well." Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga kasamahan at sa tauhang halatang naguguluhan sa kaniyang reaksyon. MANILA, PHILIPPINES "Nandito na tayo sa aming bansa, Miss Sofia. May matutuluyan ka ba o naka-book ka na sa hotel?" Dinig niyang tanong ng kapwa niya buntis. Ang pagkakaiba lamang nila ay mayroon itong asawa samantalang siya ay nabuntis na wala man lang kasintahan! 'So what! Hindi lang ako ang nabuntis sa nundong ito na walang asawa at kasintahan man lang sana. Tsk! Tsk! Ang mahalaga ay mahal ko ang Santinong iyon!' Pangaral niya sa sarili bago humarap sa lady cruiseship engineer. "Alam kong nais mo akong alukin na tumuloy sa inyo, Mrs Mondragon. I truly appreciate it. I'm so grateful that I met you and your beloved husband. Sa katunayan ay hindi ko namalayang mahigit isang buwan na pala ang simula noong sumakay ako sa barko na walang maayos na patutunguhan. Ngunit hindi ko mapaunlakan ang alok mo, Mrs Mondragon. Ganoon pa man ay may pabor akong hihingin sa iyo. Iyan ay kung okay lang ba." Mahaba-haba niyang paliwanag. Well, ramdam na ramdam niya na mapagkatiwalaan ang mag-asawang Brian Niel at Agatha Pearl. Kaya't lubos-lubusin na niya ang paghingi ng tulong sa mga ito. Lalo at nasa bansang banyaga siya. "Sure, Miss Sofia. Go ahead. Aba'y kung kaya ko ay gagawan natin ng paraan kung ano man ang pabor na iyan," anitong hindi mawala-wala ang ngiting nakabalot sa mukha. 'Hoy, Miss Sofia! Dragona, iyan! Huwag magpalinlang sa ngiti niya!' "I want to rent an apartment, Mrs Mondragon. Probably, I want in Baguio City. Who knows, maybe I will buy it too. I will trust wherever you'll select," sabi niya. "Walang problema, Miss Sofia. Masasabi kong sumama ka sa amin mula sa Spain hanggang dito sa Manila. Total sabi mo ay sa Baguio mo gustong magrenta ng apartment ay sumama ka na muna sa amin ng asawa ko sa bahay ng aking mga in-laws. Dahil sa susunod na linggo pa kami pupuntang Baguio where our firstborn child. Huwag kang mag-alala dahil itatawag ko ito sa magulang ko upang makahanap sila ng apartment na naaayon sa kahilingan mo." Hawak-hawak nito ang mga palad niya. Wari'y hindi papayag na NO ang kaniyang sagot. "Pumayag ka na, Miss Sofia. Dahil parehas kaming tubong-Baguio ng Misis ko. Kung hindi lang nakakahiya ay e-match kita sa mga pinsan ko. Kaso sabi mo noon sa laot ay mahal mo ang ama ng nasa iyong sinapupunan. By the way, if ever you want to sail again with us, inform us earlier. Upang ma-book namin." Pagsang-ayon pa ng ship captain o ang asawa ng kapwa niya buntis na engineer. "Wala akong ibang masabi kundi maraming-maraming salamat sa inyong mag-asawa. Buong buhay ko ay si Kuya at mga tauhan nito, at mga katulong lang nakikita ko. Your hospitality is indeed incomparable. In return, I will gladly accept once again your kind offer." Bakas ang kasiyahang lumulukob sa kaniyang pagkatao habang nakikipag-usap sa mga ito. Hindi nga nagtagal ay mayroong dumating at pumarada sa kanilang harapan. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga naghahabulang grupo ng kalalakihan. Huli na upang umiwas. Kaya't niyakap niya ang butihing lady boss ng barko na nasa huling buwan ng pagbubuntis. Kaya naman ay siya ang tumilapon. 'Please be safe, my babies,' sambit niya bago tuluyang nawalan ng malay-tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD