"WHO are you? What the h*ll you are doing in this house?" taas-kilay na tanong ng isang sopistikadang babae sa kay Sofia bago pa niya mahawakan ang doorbell sa main gate ng kanilang bahay.
Subalit dahil hindi niya kilala ang babae ay humarap siya rito at ibinalik ang tanong.
"At ikaw? Sino ka ba?" tanong din niya.
Aminin man niya o hindi ay lihim siyang naiinis sa kaharap.
"Ako? Hindi mo kilala? Well... Upang ipaalam ko sa iyo ay ako ang future wife ng mahal kong si General Fernandez. Kaya't kung ako sa iyo ay huwag mo ng ituloy ang pang-aagaw sa kaniya!" tugon nito sa boses na talaga namang nakakakilabot.
Hindi lang iyon! Napa-crossed arms pa ito.
Tuloy!
Napaismid siya ng wala sa oras!
Maaring sa labas siya ng mansion nilang magkapatid nakatira. Subalit hindi sagabal iyon upang wala siyang nalalaman sa kaganapan sa mismo nilang tahanan. Kaya nga siya napaismid at lihim na napapahalakhak dahil sa tinuran nitong future wife daw ng Kuya niya.
Kaso!
Napahawak siya sa kaniyang pisngi dahil tumabingi ito dulot na rin ng pagsampal nito.
"Kapag sinabi kong ako ang future wife ng mahal kong General ay walang maaring bumali! Umalis ka rito ngayon din kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guwardiya!" sigaw pa nito saka akmang itutulak siya.
Ngunit hindi niya iyon hinayaang mangyari. Masakit ang buo niyang mukha dahil sa lakas ng sampal na tinamo. Subalit nagawa niyang umiwas sa panunulak sana nito. Kaya't ito ang sumubsob sa sementadong sahig.
"How dare you! Isusumbong kita sa future husband ko!" Pagtungay nito kasabay ng pagtayo.
Susugurin nga sana siya subalit eksakto namang dumating ang Kuya Miggy niya at paglapit ng mga guards na maaring dumistansiya ng namukhaan siya.
"ANO'NG kaguluhan ito, men---"
"Arrest her! Take her to the prison, my love! Walang-hiya ang tanong iyan. Kaya't arestuhin mo siya!" Pamumutol na tungayaw ng babae.
"Why should he do that, b*tch? Kung gusto mong maging ASAWA ang KUYA ko ay suyuin mo muna ako!" malakas na rin niyang wika.
Mainit ang ulo niya. Idagdag pa ang pabago-bago niyang mood. Kaya nga siya umuwi dahil nay nais siyang kumpirmahin sa kapatid. Pero mayroon namang w!tch na b*tch.
"Liar! Paano ka naging kapatid ng future husband ko? Hah! You are just a pathetic beggar who wants to seduce my man!" giit pa nito.
Kaya naman ay muli siyang humarap dito. Subalit hindi pa nga niya naibuka ang labi upang sagutin ang pang-iinsulto nito ay inunahan na siya ng kapatid. Iyon nga lang ay ang mga tauhan ang binalikan.
"Men, pakihatid sa kanila si Miss Mun̈oz. Siguraduhin ninyong malaman ng kaniyang ama na nanggaling siya rito. Pakisabi ring oras na mangyari pa itong muli ay pagsisisihan na nilang nakilala ako."
"Miss Mun̈oz, you are a woman. Kaya't magkaroon ka rin sana ng delikadeza. Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala na kapatid ko ang nilalait-lait at iniinsulto mo. She is my one and only sister."
"Sis, dapat sana ay hindi mo pinalayo ang mga guwardiya. Alam at nauunawaan ko ang iyong dahilan subalit huwag mo rin sanang kalimutang isa ka sa may-ari sa bahay na ito. At maari kang maglabas-masok kahit ano mang oras."
Boom, panis!
Sa bilis ng pangyayari ay namalayan na lamang nilang magkapatid na nasa malaking sala na silang dalawa.
SA KABILANG banda... "Magtapat ka nga sa akin, anak. Nag-away ba kayo ni Sir General?"
Dinig ni Santi na tanong sa kaniya ng inang hindi na naiwan ng panahon ang pagkamainitin ang ulo. Kaya naman bago pa siya nito mahablot ay hinarap niya ito.
"Mother earth, hindi ko na itatanong kung saang bahagi ng mundo mo nalamang nag-away kami ni Miggy. Dahil hindi ka naman tsismosa. Hmmm... Pero magtatanong pa rin ako---"
"Ano ba?! Wala ka sa korte ng Madrid kaya't huwag kang magpasikot-sikot! Aba'y maliban na lang kung kailangan kitang ipa-check up sa Daddy mo!" taas-kilay nitong bulyaw.
Kaya naman ay lihim siyang napangiwi. Ang Mommy niyang umiinit na naman ang ulo!
"Mom, ikaw talaga oo. Nasa kabila pa si Daddy. Na-miss daw si Uncle Aries. By the way, paano mo pala nasabing nag-away kami ni Miggy? Dahil kahit bihira kaming magkita ngunit kailanman ay hindi kami nag-aaway."
Inakbayan na lamang niya ito. Dahil siguradong mababasag na naman ang ear drums niya kapag magkamali siya ng maisagot.
"Kung ganoon, anak, bakit hindi ko na nakikita si Isabella? Kahit wala kang sinasabi sa amin ng Daddy mo ay alam kong isa ka sa bantay ng batang iyon. If I'm not mistaken, it's been a month since I saw you together--- Ah, tama! Noong may pinuntahan kayong kasal ng isa nitong katrabaho."
Napapitik pa ito sa ere dahil sa nanulas sa labi. Subalit sa naging pahayag nito ay muli siyang nanahimik. Dahil sumiphayo sa kaniyang isipan ang mainit nilang gabi sa hotel room na iyon.
"Hindi raw nag-away pero natahimik naman sa pagkabanggit sa binabantayan. Hah! Huwag mong sabihing naging bantay salakay ka na, Santiago Enrico Cameron?!"
Pak!
Panis!
Iniisip pa lamang niya ay nasabi na ng mahal niyang ina! Ang masaklap ay sa malakas na boses pa!
Tuloy!
Kapwa sila napabaling sa main door ng kanilang tahanan. Dahil na rin sa halakhak ng mga taong hindi nila namalayang dumating! Subalit wala ring kawala ang mga ito. Ang kagandahan lamang ay nabaling sa lahat ang usapan nila sa hapong iyon.
"LET'S SET aside that madwoman, Sofia. Marami pa tayong panahon upang pag-usapan ang taong iyon. Lalo at alam kong seryoso ang iyong dahilan kung bakit ka umuwi sa pagkakataong ito," pahayag ni Miggy nang silang dalawa na lamang sa malawak na living room.
Kusa rin naman kasing dumidistansiya ang mga katulong at mga tauhan niya sa tuwing biglaan ang pag-uwi ng nag-iisa niyang kapatid.
"Bagay mo nga ang maging alagad ng batas, big brother. Dahil mukhang nang nasilayan mo ako sa labas kanina ay nahulaan iyong nahulaan ang itatanong ko," tugon nito.
Nakangiti ito habang nagsasalita. Subalit ngiting hindi umaabot sa mga mata. Mas lumakas tuloy ang pakiramdam niyang mayroon itong problema.
"Sofia, ako ang tumayong magulang at kapatid mo simula noong dalawang taong-gulang ka. Twenty-five ka na sa susunod mong kaarawan. Ibig sabihin ay twenty-three years na ang nakalipas. At ganoon na rin katagal na tayong dalawa lang ang magkasama. Kahit pa sa labas ka ng mansion madalas magtagal. Sa madaling salita ay mula pa sa alun-alun mong buhok hanggang sa kuko ng mga paa mo ay kilala ko na," mahaba-haba niyang pahayag saka umayos sa pag-upo at hinarap ito.
SAMANTALANG sa paliwanag ng kapatid niya ay muling natahimik si Sofia. Samo't sari ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Idagdag pa ang pabago-bago niyang pakiramdam. Ngunit kailangan muna niyang isantabi ang bagay na iyon. Dahil may kailangan siyang kumpirmahin.
Then...
"Big brother, dahil ikaw ang nasa gulang noong buhay pa ang mga magulang natin ay kailangang sagutin mo ako ng maayos," pauna niyang sambit.
"Sure, lil' sister. Ramdam at alam kong importante iyan. Kaya't kung ano man ang nais mong ipabatid ay huwag kang mag-alinlangang magtanong," sagot nito.
Kaya naman ay muli siyang napahingang malalim bago nagsimulang nagwika.
"Nais kong malaman ang tunay nating pinagmulan, Big brother. Ibig kong sabihin ay kung tunay ba na purely blooded human tayong mga Fernandez---"
"Hey, Sister! What are you insinuating? Natural lang na mga tao tayong lahat." Pamumutol nito sa pananalita niya. Halatang nagulat sa kaniyang sinabi.
"Mabuti naman kung ganoon, Big brother. Dahil sa katunayan ay sunod-sunod na naman ang pagdalaw ng panaginip sa akin. It's all about vampires--- Mali! Actually, wolves and vampires are hunting my dreams. Kako panaginip lamang ang lahat. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay nakikita ko ang mga magulang natin. Hindi ko ma sila nakita noon ngunit punong-puno ng larawan nila ang pinagawa mong Master Bedroom."
Nasimulan na niya. Kaya't mas minabuti niyang ipagpatuloy hanggang matapos.
"Big brother? Nakikinig ka ba sa akin?" kunot-noo niyang tanong.
Aba'y paanong hindi siya mapapakunot-noo samantalang hindi naging kaila sa kaniya ang reaksyon nito sa naging pahayag niya.
Kaso!
Nanlaki ang bilugan at asul niyang mga mata dahil sa tinuran nito! Hindi lang iyon! Umakyat pa sa kaniyang ulo ang lahat ng dugo niya sa maging pahayag nito!
Tuloy!
Nandilim ang kaniyang paningin hanggang sa nawalan siya ng malay-tao!