"A-anong nangyari?" Ayon na lang ang nasabi ko at tuluyang lumapit sa kanila. "Ibaba niyo siya rito! Dali! Kailangan agapan natin ang kanyang tama!" Agad nilang sinunod si Dette at nilapag ito sa lamesa ng kanyang ama. Kumuha siya ng bulak at alcohol na nandito sa k'wartong ito. "A-anong nagyari sa kuya ko? S-sino ang may gawa?" Umiiyak na sabi ni Felipe at lumapit sa kanyang kapatid na si Antonio. Sinasabi ko na nga ba, e, na mangyayari 'to! Kaya ayoko silang lumabas! Yumuko si Andres, "may banyagang sundalo, may banyagang sundalo kaming nakasalubong... pabalik na sana kami p-pero nakasalubong namin iyong isa... ang bilis ng pangyayari 'di namin alam, Felipe, nagulat kaming lahat... nang magpaputok niyon si Antonio ang tinamaan, inialay niya ang kanyang sarili kay Mang Tasyo," ma