bc

Lured (Next Gen #5)

book_age16+
5.4K
FOLLOW
26.0K
READ
billionaire
arranged marriage
brave
confident
billionairess
drama
bxg
campus
coming of age
lies
like
intro-logo
Blurb

Zera had always wanted Trey to be her boyfriend. So when she thought about luring him into her at magpatulong siya sa mailap na Isaah, hindi niya naisip na dito siya mahuhulog, But what if fate has a different plan for them?

chap-preview
Free preview
Prologue
Too Young Pinalis kong muli ang malalaking luha na umagos sa aking mga mata. My eyes hurt so much for crying nonstop just because of a guy. Ngayon lang ako umiyak ng ganito kalala buong buhay ko na sobrang hirap kong patahanin ang aking sarili habang naninikip ang aking dibdib. Kahit anong balik ko sa aking isipan sa mga ginawa ko sa nagdaang buwan, hindi ko talaga mahukay kung masyado ba akong napariwara sa pagkagusto ko kay Trey o masyado akong nawili sa binuo kong imahinasyon sa aking isipan na magiging kami rin sa huli. It's frustrating me so much. Gusto kong makatulong pero paano ako tutulong kung ako ang puno't dulo ng kaguluhan. And worst... And worst... Sinapo ko ang aking dibdib at ibinaon ang mukha sa unan para sa iyak kong sobrang lakas na. I cried helplessly, praying for a miracle to change the decisions I made. It's a foolish act, I know! But I am not that shallow! I am not that desperate! I remember those days, I just want... I just want to be part in Trey's life. Gusto ko lang namang may lugar rin ako. Pero bakit nagkaganon na? Bakit biglang lumiko ang lahat? Grade 12 ako noong nagsimula akong pumunta punta sa college building, kung saan nag-umpisa lahat ng aking kahibangan. Kung alam ko lang na hahantong sa ganoon ang pagtatagpong iyon, kung alam ko lang na mahuhulog ang lahat sa ganito kakomplikadong sitwasyon, ako nalang sana ang umiwas. But no, it's like something is luring us to be so close with each other. Something's luring me to be with him... "It's already lunch. Punta na tayong cafeteria?" tanong sa akin ni Elle sa hapon ng Martes na iyon. Umiling ako sa aking pinsan habang nagliligpit ako ng gamit. Agaran siyang bumusangot, ang tingin ay nasa ginagawa ko na habang nakahalukipkip. "Bawal ka roon ah? Mapapagalitan kana naman talaga ni—" "I don't fucking care." Nagkibit ako at kinuha ang aking cellphone saka iyon ibinulsa. Nang nasigurado kong naligpit ko na lahat ay kinuha ko na iyon. "Kanino ako sasabay?" Di ba ito makakakain nang wala ako? "Friends?" "Who?" Takang-taka niyang tanong. Umirap ako, nailing. "Someone you're not faking to be with," tangi kong sagot at nagdesisyon nang talikuran siya. Makakahanap ba siya ng ganoon? I curled my hair using the tip of my hand while walking. Pumipintig agad ang aking puso habang tinatahak ko ang daan palabas ng school. I know if they saw me there, they're all going to get mad again. Kahit pagbawalan nila ako, aakyatin ko parin ang gate! Or I'll tell Mommy to fire the guard for not letting me in. At pag nalaman ni Daddy, isusumbong ko rin siya kay Mommy pag pinagalitan niya ako. "Magandang hapon, Ma'am..." Ngumiti sa akin ang gwardya. Ngumiti ako pabalik habang pinapanood ko siyang binubuksan ang gate para sa akin. "Dadalawin niyo po ang pinsan niyo?" It's cringey to visit my cousins pero tumango nalang ako para wala nang iba pang maging tanong. At least may alibi ako pag tinanong rin ako ni Daddy kung ba't palagi akong nagagawi rito. Pagkapasok ko, ang bumungad agad sa akin ay mga college students suot ang naiiba nilang uniporme sa akin. Malaya akong naglakad doon, ang iilan ay nililingon pa ako. "Ba't nakapasok 'yan dito?" "Isa 'yan sa mga Delafuente..." "Brat 'yan kaya kahit pinagbabawalan ng mga pinsan, nandito parin." Hindi ko pinansin ang grupo ng mga ulupong girls na pinagt-tsismisan ako. And what's with the term brat?! Kulang ang info na iyon ah? Dapat may 'pretty' sa unahan bago nila dinudugtungan ng kung ano-ano. Hmm, nasaan ba ngayon ang lalakeng 'yon? I'm sure he's with his friends again. Basketball? Canteen? Locker room? Cr? Oh... Mauna kaya ako sa boys cr? Hihihi. Nagsimula akong maglakad habang hinihila pa ang ang skirt ng aking uniform na umiiksi lalo. It's already showing my knee! Nagdasal ako na sana ay hindi ako makita ng isa sa aking mga pinsa— "Zera!" Pumaibabaw ang malaawtoridad na boses ni Kuya Toshi. Sa aking pagkagulat ay mabilis akong napatigil at naging yelo sa kanyang boses. Kinagat ko ang aking labi, kalaunan ay nakita ko na nga ito sa aking harapan, matalim ang tingin sa akin habang nagkakasalubong ang kilay at bumagsak pa ang tingin sa aking palda. "'Di ba sinabi na namin sa'yo noong nakaraan na bawal ka rito?" Nameywang ang aking pinsan. "Bakit ako bawal?" I twinkled my eyes. "Dahil mga college ang naririto," giit niya. "Alam ko naman ah? This is a college building so mga college student talaga..." marahan kong sabi. Umangat ang kanyang kilay sa akin. May dumaan pang grupo ng mga babaeng binati siya na nginitian niya at tinanguan pero noong ibinalik ang tingin sa akin ay naging seryoso muli. "Magpasalamat ka talaga at ako ang nakakita sa'yo. Kung si Grey pa..." Ang aking tingin ay napunta sa kanyang likuran. Agad kong nakita ang grupo ng mga lalakeng naghahagalpakan. Ang aking mga mata ay mabilis na dumako kay Trey, nangunguna roon habang ginagalaw ang kanyang buhok at sobrang gwapo. Oh God... My boyfriend is already here! Hindi ko na halos mapakinggan ang pagbubunganga ni Kuya Toshi dahil kumikinang na ang aking paligid. Para nang may mga bumabang anghel at kumakanta habang slowmo na ang galaw ni Trey. "Zera." Pinitik ni Kuya Toshi ang aking pisngi. Natauhan ako at ibinalik ang tingin sa kanya. Kunot-noo siyang lumingon sa kanyang likuran, at nang makita kung sino ang naroon ay umangat agad ang dalawa niyang kilay saka ako tiningnan sa makahulugang tingin. "Aren't you too young to chase someone who's very far from your age—" "Shut-up! Don't embarass me!" Tumingkayad ako at tinakpan ang bibig ni Kuya Toshi. Mas lalo lang nagkasalubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa palad kong tinatakip ko sa kanyang bibig. Pinaningkitan ko ng tingin si Kuya Toshi at hinawakan pa ang kanyang braso lalo na't masyado siyang matangkad para sa akin! Nangangawit na ako kakatingkayad. "Zera?" Ang pamilyar na boses ni Trey ay parang naging awit ng isang anghel sa aking tainga. Nilingon ko siya. I smiled cutely at him. "Hi, Trey..." bigkas ko sa malambing na boses. Tinanggal ni Kuya Toshi ang aking pulso at hinila ang aking braso saka ako inakbayan. I sighed in defeat inwardly. Gusto kong sikuhin si Kuya Toshi. Or better yet bayagan ito. Ang naggagwapuhang at puro matatangkad na mga barkada ni Trey ay nasa akin na ang tingin, nakangiti ng matamis lalo na't puro rin sila barkada ng aking mga pinsan. Si Davin Tan, ang half na Chinese ay kaclose ni Kuya Hiro at isa rin sa mga chic magnet dito lalo na't barkada pa ni Trey. si Castel Guevarra, ang hari ng kapilyuhan at close ni Ken ganoon rin ni Wayt at nabibilang sa mayamang angkan na kumikinang rin ang mga mata habang nakatitig sa akin and lastly... the coldest and the very intimidating of them all, Isaiah who has a godlike visual and very snobbish aura... Nahuli ko pa itong nakatitig sa aking skirt, tila nadidisgusto. Wala akong masyadong info sa kanya dahil wala rin siyang mga kaclose sa pinsan ko, tanging si Trey lamang. Pangalan ko lang ang alam ko sa kanya at ang kasupladuhan niya but overall, wala na. "Pinapagalitan mo na naman?" tanong ni Trey habang inaayos ang expensive watch niya sa pulso. "Masyadong matigas ang ulo," ani Kuya Toshi at ginulo ang aking buhok sa harap mismo ng aking ideal boyfriend. Nagmukha akong mangkukulam na gulo gulo na ang buhok! "Stop it!" pabulong kong bigkas kaso in-elbow lock pa ako ni Kuya. God! "Sali ka sa amin mamaya, Tosh?" tanong ni Castel. "Maglalaro kayo?" si Kuya. Tumango silang tatlo, maliban kay Isaiah na sobrang snob, ang tingin ay nasa ibang direksyon na at mukhang naiinip. "Sa Clubhouse tayo?" si Kuya. "Sure. Ikaw Isaiah? Di ka parin sasama?" tanong ni Trey. Malamig na umiling si Isaiah. "May gagawin ako," bigkas niya sa malamig na boses. Tiningnan lang siya saglit ni Castel pero ibinalik rin kay Kuya Toshi. "Isali nalang natin sina Hiro para marami tayo," aniya. Tumango naman ang aking pinsan at ibinulsa na ang isang kamay, ayaw paring pakawalan ang leeg kong niyakap niya na. Hinawakan ko ang kanyang bisig gamit ang dalawa kong kamay at pilit iyong tinatanggal kaso masyadong matigas! Trey chuckled at me when he saw my movement. "Makulit ka kasi..." sabi niya sa akin, akala mo ay nakikipag-usap lang sa isang kuting. "Kuya Toshi..." malambing kong sabi at tiningala ang aking pinsan. He's really embarassing me, treating me like a five years old kid! "Shut-up, Zera," aniya at ibinalik ang tingin sa mga barkada ni Trey. "Magkita nalang tayo mamayang 6." Nagsitanguan sila, maliban kay Isaiah na hindi sasama. "Alis na kami," pagpapaalam ni Trey. Tumango naman si Kuya hanggang sa isa isa na silang umalis sa aming harapan. Sinulyapan ako sa huling beses ni Trey at napangisi habang naiiling. God... I hate my cousins! "Natuturn-off na 'yon!" sigaw ko at marahas nang nagpumiglas kay Kuya Toshi. Pinakawalan niya naman ako, nakangisi na. "Eh may girlfriend 'yon." "I know! And he's just my crush... Why do you have to stop me from liking him?!" Namula ako ng husto sa pagkainis. Pinitik niya ulit ang aking pisngi kaya sa aking inis ay hinawi ko ang kanyang kamay. Tumaas ang dalawa niyang kilay dahil sa aking pagkairita. "Hindi ka papatulan ni Trey dahil masyado ka pang bata para sa kanya. Four years ang gap niyo. You're too young for him," aniya sa boses na nangtuturn-off. Humalukipkip ako, tinaliman siya ng tingin. "Kaming mga lalake, ayaw namin sa mga sobrang bata para sa amin, Zera. Lalo na sa mga brat at matataray... Ano kami, mga babysitter niyo?" Inilebel niya ang kanyang mukha sa akin, pinapamukha ang reyalidad. "I hate you," bigkas ko sa matigas na boses. Ginulo niyang muli ang aking buhok. "Tara... Ililibre nalang kita ng lunch." Sinenyasan niya ako gamit ang paggalaw ng kanyang ulo. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan, sobrang nabwesit dahil nagmukha akong batang paslit sa harapan ni Trey kanina. Kuya Toshi sighed at hinila ang aking pulso. Nagpatianod ako sa kanya habang nakabusangot. "Naiinis talaga ako sa inyo. Pinagbabawalan niyo kaming lumandi pero kayo kabi-kabila ang panglalandi. Eh halos pati nga sa ibang University pinopormahan niyo tapos ako..." Hinabol ko ang hininga at gustong sabunutan ang sarili sa panggigigil. Natawa si Kuya Toshi at inakbayan ako. "Someday you're going to understand why we're so protective with you, Zera... Sa inyong mga babae. Pinoprotektahan lang namin kayo sa mga lalakeng hindi kayo kayang ingatan katulad ng pag-iingat namin sa inyo." Umirap lamang ako at pinanindigan ang aking inis habang nakahalukipkip. "Ilibre mo talaga ako." I said annoyingly. Ngumisi si Kuya at kinurot ang aking pisngi. "Brat."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.0K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.5K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook