20 - PEARL HARBOR BOMBING

2068 Words
"Some people are going to leave, but that's not the end of your story. That's the end of their part in your story..." December 7, 1941. Kadarating lang ni Shawn kahapon galing sa isang buwang bakasyon niya. Kakalabas lang namin mula sa San Agustin Church ng Intramuros. Biruin mo? Nakatayo na pala ang simbahan na ito sa loob ng Intramuros sa panahon na ito? Natatandaan ko, base sa kuwento dati ni Alex, ang simbahan na ito ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Nakakahiya mang aminin, pero hindi ko pa napasok ang simbahan na ito sa panahon ko. Dito pa talaga sa panahon ng American colonization ko ito napasok. Actually, hindi lang ito ang napuntahan ko. Galing din kami ni Shawn kanina sa Manila Cathedral at Sto. Domingo Church, na buong akala ko ay sa Quezon City talaga orihinal na nakatayo. Eh, kung sabihin ko kaya ngayon kay Shawn na nasa Quezon City talaga ang Sto. Domingo Church? Maniwala kaya siya sa akin? Malamang, hindi. Bahagya tuloy akong natawa sa kalokohang naisip ko. Nagtatakang tiningnan tuloy ako ni Shawn, na dinaan ko na lang sa matamis na ngiti. "Never mind me. I'm just happy because you've arrived, that's all," katwiran ko na lang sa kanya na kinagat naman niyia agad. Siguro ay nasa total ng walong simbahan ang pinasok namin ni Shawn dito sa loob ng Intramuros. Ang iba ay ang simbahan ng San Ignacio, San Francisco, Lourdes, San Nicolas de Tolentino at ang San Jose. Hindi pa kasama 'yung maliliit na chapel na nakita ko. Pero sa lahat ng binanggit ko na mga simbahan, parang dalawa na lang ang natira dito sa kasalukuyang panahon. Nakakalungkot lang. Hindi man lang sila nakita na ng kasalukuyang henerasyon. Bakit nga ba namin nilibot ang mga simbahan dito sa Intramuros? Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Shawn. Mamili na daw ako kung saang simbahan kami magpapakasal pagbalik niya sa isang buwan, kasama ang nanay niya. Siyempre, ako naman... eto... hindi na naman matapos-tapos ang kilig! Pero ang nakakatawa kanina, nagmukha akong engot kanina kay Shawn nang tanungin ko siya kung bakit nandito sa Intramuros yung University of Sto. Tomas. Natawa ako sa itsura ni Shawn habang takang-taka kung ano ba ang sinasabi ko. Hindi naman daw umaalis 'yung eskwelahan na 'yun dito sa Intamuros. Ma at Pa! Malay ko ba? Sa panahon ko, sa kahabaan ng España ko siya nakikita! All in all, masaya... at the same time, malungkot ang pag-iikot naming ito sa Intramuros. Alam ko naman kasing hindi naman talaga ako si Rosanna. Hindi naman talaga ako 'yung pakakasalan niya. Masaya na rin naman, kasi kadarating lang niya pero inuna pa niya akong ipasyal ngayong maghapon dito sa loob ng Intramuros, kaysa magpahinga na muna. Kahit paano, natuwa na rin ako na nakita ko ang ibang mukha ng Intramuros na nakita ko ngayon kumpara noong sumama ako sa field trip ni Alex. Talaga palang maraming nasira ang digmaan noon sa magandang lugar na ito. Alas singko na ng hapon. Medyo pagod na rin ako sa pamamasyal namin kaya tahimik lang ako habang naglalakad kami ni Shawn. "Do you want to go home?" narinig ko na lang na tanong niya. "Well, yes... I am a bit tires already. And besides, you have to go back to your barracks to report," sagot ko sa kanya. "Yeah... actually, my superior is expecting me to arrive there at 18:00 hours," pagsang-ayon ni Shawn sa akin. Eighteen hours? Ano'ng oras ba 'yun? Alas-sais? "Then we must go home now," sabi ko sa kaniya. "Alright." "Rosanna..." basag ni Shawn, habang naglalakad kami palabas ng Intramuros. "Yes?" "I know it's hard to wed a soldier. Always on-call. In the field of duty. I don't want to leave you alone either. So, I'm thinking to quit being a soldier and pursue my medical course..." Napahinto ako sa paglalakad at saka humarap kay Shawn. "Really? You're taking up medicine in the U.S.?" Ibig sabihin ba, may kaya ang pamilya ni Shawn doon? "Yeah. I have almost a year to finish my study when the war broke out, and I have to join the army. At first, being an aider, but as the war prolong, I need to be on the field. But if you want me to continue being a soldier--" "Ah no, Shawn. It's okay. I understand. Of course, you pursue your dream. If that what makes you happy, so be it! There's no problem with me." Mabuti na lang talaga nung nagpunta ako sa panahon na 'to, marami akong nabaon na English. "Thank you, Rosanna!" masayang sabi ni Shawn, sabay halik nang mabilis sa pisngi ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. "By the way, I'm sorry that I have to return back to the U.S. My mother has to finish some important matter there first, before she can come with me here. I'm sorry. I have to leave you again," hinging paumanhin pa ni Shawn. "Oh, Shawn... Don't worry about me. What is important is that you promise that you'll come back, right?" sagot ko sa kanya. "But of course, I'll be back!" mabilis at nakangiting sagot niya. "Then I'll just be here. Waiting for you," nakangiti ring sagot ko. "And to be Mrs. Newson when I come back?" nakangiting tanong ni Shawn. Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Sandali rin akong natahimik. Newson pala ang apelyido nito? Ngayon ko lang nalaman, Hehe. Huminto si Shawn sa paghakbang. Akala niya siguro ay nagdadalawang-isip na ako na maging asawa niya. Huminto rin ako, at saka nakangiting nag-angat ng mukha sa kanya. "Yes. I will be Mrs. Rosanna Newson by then," pangako ko sa kanya. "Yes!" masayang sagot naman ni Shawn. Hindi ako pumalag nang pagsalikupin ni Shawn ang mga kamay namin, at saka nagpatuloy kami sa paglalakad. Malayo-layo na rin ang nalalakad namin nang biglang matawag ang pansin ko ng isang puno. Parang ito rin yung punong nakita ko noong field trip ni Alexa. Tila may kung anong kapangyarihan ang puno kaya huminto ako sa tapat nito. Dito rin sa tapat ng punong ito una kong narinig iyong boses na parang may tumawag ng 'Rosanna' sa akin noon. At ito rin iyong punong nakita ko sa unang panaginip ko kung saan nakita ko ang multo ni Shawn. Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa buong katawan. "Hey, my love. What's with that tree?" nagtatakang tanong ni Shawn sa tabi ko. "I.. I don't know. It's just..." hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo, "I am just attracted to it. That's all," naisipan kong isagot sa kanya. "It's kind an old tree. But wait! I've got an idea," masayang sabi ni Shawn, na ipinagtaka ko. Binitiwan ako ni Shaawn at saka naglakad papunta sa gawing likod ng puno. Nagtatakang sumunod naman ako sa kanya. Nakita kong inilabas niya ang isang de-tiklop na kutsilyo mula sa bulsa sa gilid ng pantalong uniporme niya. "What are you going to do?" nahihiwagaan kong tanong sa kanya. "Watch," nakangiti, pero tipid na sagot ni Shawn. Iniumang ni Shawn ang kutsilyo niya sa katawan ng puno, at saka nag-umpisang umukit sa malapad na katawan nito. Nakita kong umukit siya ng hugis puso. Mayamaya ay letrang 'S' naman ang iniukit niya sa loob nito. Pagkatapos ay umukit uli siya sa tabi nung puso ng isa pang hugis puso at umukit naman sa loob nito ng letrang 'R'. Napangiti ako. Lumang style na pero nakakakilig pa rin. Sabagay, nasa 1940s nga ako ano? Siyempre, traditional style ng panliligaw pa. "There! This is my heart..." sabay turo ni Shawn sa hugis pusong may letrang 'S' sa loob. "And this is yours..." Itinuro naman niya ang katabing hugis puso na may letrang 'R' sa loob. "Uh-huh..." sagot ko sa kanya, na may kasamang pagtango. "Two hearts... but destined to be one. Soon," pagtatapos niya sa sasabihin pa niya. Ngumiti ako kay Shawn na nakangiti pa rin sa akin. "Do I make you 'kih-lig'?" tanong niya, na nakapagpangiti sa akin. Tumango-tango ako. "Yes. I am 'kinikilig'!" masayang sagot ko sa kanya. Nagtawanan kaming dalawa. "I will miss you, my love..." pagkuwan ay sabi niya. "Hey! We still have three weeks before you leave again. So, there's no way for now that you will miss me," pagkontra ko sa sinabi niya. "If I have a choice, I don't want to leave you again. It's just that... Mother could not travel alone anymore." "Hey!" Hinawakan ko sa magkabilang pisngi si Shawn. "I told you, there's no problem with me about that. Just promise that you will be back to me, Captain Shawn Newson," Ngumiti nang malapad si Shawn. "Of course! I will come back to you. You are my home." SUNUD-SUNOD na katok ang gumising sa akin kinabukasan ng madaling araw. Sino naman kaya ang kumakatok sa oras na ito ng alas dos y medya ng madaling araw? Hindi ko na sana papansinin iyong pagkatok, pero walang tigil ang kung sinuman ang nasa labas. Pupungas-pungas na bumangon ako at saka nagtungo sa pintuan. Nabungaran ko sa labas si Manay Teresita. May pag-aalala sa mukha niya. "Manay? Ang aga mo namang manggising! Mamaya pang alas siyete tataawag si Shawn," patamad na sabi ko sa kanya, sabay talikod sa kanya para bumalik sa kama ko. "December 8 na ngayon. Nangyari na. Binomba na ng mga Hapon ang Pearl Harbor," kalmadong sabi niya. Napahinto ako sa gagawin ko sanang paghiga uli. "Saan naman 'yang Pearl Harbor na 'yan? Dito rin ba sa Manila 'yan?" inosenteng tanong ko. "Sa Hawaii." "Ah, okay. Ang layo naman pala dito sa atin, eh," sagot ko, tapos ay tuluyan na akong nahiga sa kama ko. "Wala ka ba talagang alam sa kasaysayan ng Pilipinas? Paano ka nakapasa sa subject mong 'yan noong nag-aaral ka pa?" inis na tanong ni Manay Teresita. Nagdilat ako ng mga mata at saka tiningnan si Manay Teresita. Totoo pala yung sinasabing -- If looks could kill... kanina pa siguro ako walang buhay dito sa kama ko sa uri ng tingin sa akin ngayon ni Manay Teresita. Naupo ako sa kama at saka hinarap si Manay Teresita. "Sorry na, Manay. Wala talaga akong interes sa Philippine history eme. Pwede bang paki-derecho mo na lang iyong gusto mong iparating sa akin? Huwag mo na akong pag-isipin ng mga lectures ko noon. Matagal na 'yun, eh!" sabi ko sa kanya. "Sasakupin na tayo ng mga Hapon. At ito na ang magiging umpisa ng kalbaryo ni Rosanna," sagot naman niya na may pagbibigay babala ang tono ng boses. "Ayun! Eh, di nagkaintindihan na tayo," sabi ko naman sa kanya. Agad siyang tumalikod na sa akin at humakbang papunta sa direksiyon ng pintuan. Napaisip ako bigla. "Teka muna, Manay. Gigisingin mo ako nang ganito kaaga para sabihin lang sa akin iyon, tapos tatalikuran mo na lang ako bigla? Ano bang pwedeng mangyari? May kinalaman ba 'yan sa pag-alis ni Shawn? Sa ikatlong linggo pa ang alis ni Shawn." Oo nga pala. Aalis si Shawn. Kung sasakupin na ang Pilipinas ng mga Hapon, at wala dito si Shawn, sino na ang makakasama ko? Dapat ba akong matakot? Iyon ba ang ibig sabihin ni Manay? Si Ramon! Andiyan pa naman si Ramon. "Binibigyan lang kita ng babala." Iyon lang at lumabas na ng kuwarto ko si Manay Teresita. Wala naman akong nakikitang dapat ikatakot, kaya bumalik na ako sa pagtulog. Pero nagulat ako nang makarinig na naman ako ng pagkatok sa pintuan ko nang bandang alas sais y medya ng umaga. Nagmamadaling bumaba ako ng kama at saka binuksan iyon. "Magbihis ka na. Sasama tayo sa prusisyon. Pista ng Immaculate Concepcion ngayon nalimutan mo na ba? Derecho na tayo simba," anunsiyo ni Manay Teresita. Nakakapagtakang kalmado lang ito. "Oh, akala ko ba sabi mo kanina umpisa na ng giyera bakit magsisimba pa tayo?" nagtatakang tanong ko. "Hindi pa nakakarating dito sa Pilipinas ang balita. Inabisuhan lang kita para hindi ka na magulat mamaya." Oo nga pala. Time traveller siya. Alam na niya ang mga nangyari at mangyayari. "Sa mga oras na ito, walang kaalam-alam ang mga tao dito sa Maynila pero binobomba na rin ng mga Hapon ang probinsiya ng Davao." Doon lang ako nakaramdam ng takot. Marahan akong tumango at saka isinara na uli ang pinto. Agad-agad akong naligo para maghanda sa pagsisimba. Bigla kong naalala si Shawn. Kailangan ko siyang makita mamaya. Kailangan ko siyang mabigyan man lang ng babala. Diyos ko...ingatan Mo po si Shawn. Ilayo Mo po sa kapahamakan ang taong mahal ko... ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD