Di ako nakatulog kagabi sa sinabi ni Tatum Miguel..
Bakit niya kaya sinabi yun? Binigyan niya ng pag asa ang munting puso ko..
"Ayesha! pst!" Napalingon ako kay Girly
"Huh? bakit?"
"Wag kang mag muni muni patay ka nanaman kay Sir!" pabulong lang ni Girly sakin nasa row one kasi siya ako naman row four
Kasalukuyan nag tuturo si Mr.Leonardo
Oo nga pala kailangan ko nga palang mag aral ng mabuti para mapansin ako ni Tatum Miguel
Sinikap kong intindihin lahat ng tinuturo ni Sir. Nag focus ako sa tinuturo niya
"Wow i'm so impressed ayesha santos! ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na score sa quiz natin!" Anunsyo ni Sir kinabukasan
Oh my God.. First time ko pumasa sa quizes!
Napatayo ako at pinalakpakan ng mga kaklase ko
"Congrats mukhang nagbabagong buhay ka na" Biro sakin ni Mr. Leonardo
"Salamt po sir!" Hihi inspired kasi ako eh hahaha
Uwian na...!
"Ayesha sasama ka ba samin nila Paulo at steve mamaya?"
"Saan kayo pupunta Girly?"
"Sa Circle! Mamamsyal kami tutal sabado naman bukas."
"Wala akong pera eh., Kayo nalang.." Medyo masakit din kasi ulo ko..
"Osige.. Teka bakit namumutla ka? Ayos ka lang ba bestie?" Sinalat ni Girly yung nuo ko. wala naman akong lagnat
"Masakit lang ulo ko bestie.. Sige mauna nako sayo" Nagbeso beso kami
"Sure ka ha? Ingat ka pag uwi!"
UUwi nako di ko na hintayin si Tatum Miguel.. Ilang araw ko na din siyang hindi sinusundan dahil simula ng bastedin niya ako natatakot nakong lumapit sakanya.
Ang sakit ng ulo ko kakabasa ng libro sa Library! Masakit pala sa ulo mag aral ng todo no? mabuti pa nung di ako nag aaral ng todo hahaha
Naglalakad lang ako pauwi dahil medyo malapit lang sa school yung bahay namin
4pm palang.. Uwian ko kasi 4pm..
Uwian ni Tatum 6pm pa.. Grabe no? 2hours ko siyang araw araw hinihintay
Dati nga 1pm ang uwian ko pero 4pm uwian niya nahihintay ko siya
"Ayesha!"
Biglang lumakas t***k ng puso ko! Boses yun ni Tatum Miguel!
Paglingon ko si Tatum Miguel nga tumatakbo siya papalapit sakin
"Tatum...." Ang bilis ng takbo ng puso ko
"Pauwi ka na ba?" Tanong niya sakin habang hingal na hingal siya
"Ah..Eh.. Oo sana.. bakit?"
nabasa ko yung pagtatampo sa mata niya
"Bakit di mo nako hinihintay?"
Di ko narinig yung sinabi niya dahil may dumaan na trycicle ang ingay
"Ano?" Tanong ko
"W..Wala.. gusto mo ba mag miryenda?"
Parang huminto yung mundo ko..
Inaaya niya akong mag miryenda?!
Oh God... Ang bait mo Lord!
Napangiti ako.. Parang nagkaron ng kulay yung mundo ko
"Oo naman!"
"Tara.. treat ko. Kasi di pa ako nakapagpasalamat sayo sa pag drawing mo." Nabigla ako nung kunin niya yung Bag ko
Nataranta akong ibigay sakanya.. Sobrang kaba nararamdaman ko..
Bakit nagpapakafriendly siya?!
Pag dating namin sa isang coffee shop Inorder niya sakin yung strawberry cake at white chocolate drink.. pareho kami ng order.
"P..Paano mo nalaman na favorite ko to?" tanong ko sakanya habang kumakain kami..
PAKIRAMDAM KO NAG DEDATE KAMI
"Nahulaan ko lang" Tapos ngumiti siya
SA BUONG BUHAY KO NGAYON NIYA LANG AKO NGINITIAN
"Ngumiti ka.." parang tangang sabi ko
"Huh?" tanong niya di niya nagets yung sinabi ko
"I.. I mean ngumiti ka sakin Tatum.. Ngayon ka lang ngumiti sakin" napayuko ako nakakahiya naiiyak ako
Ang saya saya ko kasi.. Tears of joy?
"Im sorry ngayon lang ba ako ngumiti?" Tumabi siya sa sakin at inabot yung panyo niya
"Oo tears of Joy lang to Tatum.." Ngumiti ako saknya habang umiiyak ako
"Stop crying." Siya na mismo nagpunas ng luha ko
Shet lalo ako naluha...
"Naku sorry Tatum.. Para akong sira no? Masaya kasi ako dahil pinapansin mo nako ngayon" Napayuko ako
"Let's be friends Ayesha" napatingin ako bigla sakanya.. Halos magkalapit na pala yung mukha namin
"s..Sure! Salamat kahit friends lang masaya nako"
Masaya ako pero something inside me yung parang binibiyak
NaFriend zone ako mga beshie!!!
Hinawakan niya yung kamay ko.. Napalunok ako.. First time niyang hawakan yung kamay ko
"I'm happy too." Sa pangalawang pagkakataon ngumiti siyang muli
"Bilisan na natin kumain Tatum.." pag iiba ko ng usapan
"Okay" Lumipat na siya sa upuan niya tapos tahimik kaming kumain ng cake..
Medyo ackward..
"Nga pala bakit ang aga ng uwian mo? diba may clase pa kayo?" Tanong ko
medyo matagal bago siya sumagot parang nag isip pa siya
"Hindi ako pumasok sa last subject ko"
"Ha?! Naku bakit?"
"M..May inasikaso lang ako., Tapos nakita kita kaya naisipan kong mag miryenda muna"
"Ganon ba.." Ngumiti nalang ako. Siguro importante yung inasikaso niya. Kasi hindi nag aabsent si Tatum Miguel kahit kelan.
Mahabang katahimikan..
"M..May nagugustuhan ka na bang babae Tatum?" Lakas loob na tanong ko
Di siya makatingin sakin At napainom siya bigla ng white chocolate
"meron na"
Parang isang itak ang humiwa sa puso ko.. So kaya naman pala Friends zone ako dahil may iba siya gusto..
Parang gusto kong umiyak.. Pero mamaya na sa bahay nalang..
"G..Good for you.. Bakit hindi ka pa mag girlfriend?"
Jusko di ko ata kakayanin pag nakita kong may ibang girl friend si Tatum Miguel ko :(
"Magulo pa e"
"Magulo?"
"Wala pa sa isip ko yun.." Tapos ngumiti siya sakin
"Pero siya na yung gusto mong maging girlfriend?"
Sige ayesha saktan mo pa ang puso mo. Tanong pa!
Namula naman yung pisngi niya. Napakagwapo niya talaga. Ang swerte ng babaeng magugustuhan nito
"Ganon na nga"
Nalaglag ko yung tinidor sa sahig nabitawan ko kasi sa sagot niya
"Ay sorry" Yumuko ako para damputin yung tinidor pero tumulo na yung luha ko
nagmadali akong punasan yung luha ko. Nakayuko padin ako
Nagmadali nako tumayo hindi ako tumitingin kay Tatum dahil baka makita niyang umiiyak ako
"Ah.. Eh Tatum uwi nako madami pa kasi akong gagawin salamat sa miryenda" Nagmadali nakong lumabas ng coffee shop
Di ko na hinintay yung sasabihin niya..
Siguro nakita niya din na umiiyak ako pero di nalang siya nag salita
Sumakay nako ng tricycle pag labas ko ng coffee shop.. Feeling ko naman hahabulin ako ni Tatum?
Ang sakit mong mahalin tatum!
Pakiramdam ko hihimatayin ako..
Tatlong araw akong absent dahil nilagnat ako..
Lovenat hehehe
Buong gabi ako umiiyak.. Tatlong gabi na.. Ang sakit sakit.. May iba na palang nagugustuhan si Tatum.. Kaya pala.. Kaya pala di niya ako pinapansin palagi.. Pero bakit ngayon pinapansin na niya ako?!
At friends na daw kami.. Kaya ko ba yun?
Kaya ko bang maging kaibigan nalang ang taong mahal na mahal ko?
Buong buhay ko minamahal ko siya
"Ayesha anak may bisita ka" Sigaw ni mommy kaya napatayo ako
Sino naman bibisita sakin? Kakauwi lang ni Girly eh..
Pinunasan ko yung luha ko di ko napansin namamaga na pala mata ko
Pagbaba ko..
Nakita ko si Tatum may hawak siyang basket na may fruits
"M..may sakit ka daw?" Nababakas sa mukha niya yung pag aalala
"Oo.." Ngumiti ako. Sakit sa puso lintik ka hahah
"Namamaga yung mata mo anak?" Tanong sakin ni mommy naglabas si mommy ng makakain namin
"kakagising ko lang kasi mommy"
"Kanina lang nandito si Girly diba? paano kakagising mo lang---"
"Kanina pa yun mommy!" tinulak ko na si mommy sa kitchen
"Dun ka na mommy! Magluto kana lng"
Tapos bumalik ako kung saan nakaupo si Tatum
"Umiyak ka ba?" seryosong tanong niya
"Ako? H..Hindi ah napasarap lang tulog ko"
"Kamusta na pakiramdam mo?"
"O..Okay naman na ako" kinuha ko yung fruits na inabot niya sakin
"Salamat dito Tatum"
"Tatlong araw kang hindi pumasok"
napatango lang ako..
kasi parang may kumiliti sa puso ko.. Bakit alam niya kung ilang araw ako umabsent?
Lumabas si mommy sa kitchen tapos may tinawagan siya sa Phone
"Hello Roger.. Oo nandito yung anak mo dinalaw niya si Ayesha.."
Kausap ni mommy yung daddy ni Tatum?
Napakunot naman nuo ni Tatum parang nag iba yung timpla ng katawan niya
"Mauna nako" Walang kasing lamig na sabi ni Tatum
Hindi na nga siya nag paalam kay Mommy eh..
"Anong nangyari dun anak?" Tanong ni mommy sakin
"Hindi ko alam mommy.. Parang nagalit siya"
"May attitude problem talaga yang batang yan" Umakyat na sa taas si mommy pero ako malalim yung pag iisip ko
Bakit nakakausap ni mommy si Tito roger?
Bata pa lang ako alam kong Single Mom lang si Mommy ko.. Dahil naanakan lang siya ng Isang american citizen.. Kaya Half blood ako..
Hindi ako pinanagutan ng tatay ko at hindi na siya mahanap ni mommy.. Ang mommy ko naman parang kapatid ko lang. Sexy padin siya hangang ngayon..
Hindi kaya may ugnayan si mommy sa daddy ni Tatum? Pero malabo yun dahil hindi naman nakikipag boyfriend ang mommy ko..
Inalis ko nalang sa isip ko yung mga naiisip kong mali..
Hindi ganon ang mommy ko.,