Buong araw kong hinanap si Steve pero hindi ito pumasok. Gusto ko sana humingi ng tawad sakanya at makipag break.. Ngunit buong araw ko siya hindi makita.. Kasama ko ngayon si Girly sa Cafeteria at nagmimiryenda kaming dalawa "Ang haba ng buhok mo bestie.. Di kita mareach! Dalawang pinakasikat na lalaki pa yung nag agawan sayo kagabi! At narinig mo na ba ang balita ha? Galit na galit daw sayo si Bea dahil nakipag break si Tatum Miguel sakanya kagabi! Pak Ganern!" Sumipsip muna ako ng Mango shake ko bago ako nakapag react sa kwento ni Girly. Di ko pa nakukwento kay Girly yung paghahalikan namin ni Tatum kagabi.. "Ah.. eh.. Di ko alam anong isasagot ko bestie.." "Anong isasagot?" "Kay bea pag tinanong niya ako kung inaagaw ko ba si Tatum sakanya" "Nako wag mong pansinin yung babaeng w