"Hey, beautiful!" nakangati na bati ni Gael, sabay pisil sa magkabila kong balikat pagpasok niya sa kwarto ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror dahil kakatapos lang akong ayusan ng make up artist na kinuha niya para sa akin ngayon. Sila din 'yung nag-ayos sa akin noong 18th birthday ko. "Excited ka ba para sa araw na ito?" tanong niya. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at humarap sa kanya. Iniyakap ko ang aking mga braso sa kanyang batok. "Yes. Super excited. After kasi nito pakiramdam ko dalaga na talaga ako. Na hindi na gaanong malayo ang gap sa ating dalawa. Pwede na tayong magpakasal," biro ko sa kanya na ikinatawa niya ng malutong. "Kasal agad, baby? Hindi ka ba muna magka-college?" Napasimangot ako sa naging sagot niya. Ba