"Mommy... nandito na po pala kayo," sabi ko nang makabawi sa bahagyang pagkagulat ko na makita s'ya dito sa bahay. Wala pa kasi ang kotse nilang ginamit kanina noong umalis sila kaya hindi namin, ko, inaasahan na nandito na pala s'ya sa bahay. "Palit lang po ako ng damit," sabi naman ni Gael na hindi na hinintay ang pagsagot ni Mommy sa kanya at basta na lang naglakad paakyat ng hagdan. Parehas habol ang tingin namin ni Mommy sa kanya. "Problema ng batang iyon?" tanong sa akin ni Mommy, nang mawala na sa paningin namin si Gael. Nagkibit balikat ako bago naglakad papunta sa sofa at naupo roon, tumabi naman sa akin si Mommy. "Nag-away ba kayo?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi po Mommy, pero tingin ko galit s'ya sa akin. Kanina pa nya ako hindi kinakausap mula sa presinto hanggan