"Ingat ka pagpasok," sabi ni kuya Gael. Napahinto tuloy ang pagsakay ko sana sa loob ng kotse ko. "Salamat, ikaw rin," sagot ko at ngumiti ng bahagya sa kanya. Miss ko na s'ya. Miss na miss ko na kung paano kami dati bago pa man nangyari 'yung nangyari sa pagitan namin. Pero kahit ganito na kami ngayon, hinding-hindi ko pinagsisisihan ang namagitan sa aming dalawa, ang pagpapaubaya ko ng sarili ko sa kanya. "Salamat," sagot niya. Nakangiti rin naman siya sa akin pero may nababasa akong lungkot doon. Mahigit isang linggo na ang nakalipas noong may mangyari sa amin at pati na rin ang pagsagot ko kay Anton para pilitin ang sarili na mag-move on sa kanya. Tumango lang ako sa kanya at papasok na ulit sana sa loob ng kotse nang tawagin niya ako. "Hmmm?" tugon ko. "Miss na kita, miss