Napatiimbagang ako nang marinig ang sagot ng hayop na si Anton nang tanungin s'ya ni Miel. Hindi man lang n'ya itinanggi lahat ng sinabi ko, parang proud na proud pa s'ya! “Isa kang demonyo!” sigaw ni Miel pagkatapos bigyan ng mag-asawang sampal na ubod ng lakas si Anton. “Hindi ka tao!” Pinaghahampas ni Miel sa mukha at dibdib si Anton. “Tumigil ka na!” sigaw ni Anton habang hawak ang magkabilang pulsuhan ni Miel para pigilan ito sa ginagawang pananakit sa kanya. “Kasalanan mo kung bakit naging ganito ako! Kasalanan nyo!” Nagpumiglas si Miel sa pagkakahawak sa kanya. Lalapit na sana ako para tulungan s'ya dahil alam kung mas malakas na ‘di hamak si Anton sa kanya pero napahinto ako dahil nagawa niyang makaalpas. “Wala akong kasalanan sa'yo! Wala!” Muling pinagsasampal at hampas ang