"Okay ka lang ba talaga, Baby?" tanong ko kay Miel. Nakaupo ako sa gilid ng kama paharap sa kanya, nakasandal s'ya sa headboard ng kama at mukhang lambot na lambot. Tumango s'ya sa akin. "Okay lang. Stress lang siguro ako kaya ganito. Inom na lang ako ng gamot mamaya." "No. Hindi ka iinom ng gamot, ipapa-check up na kita," sabi ko. Hindi kasi ako naniniwalang stress lang iyon dahil pasumpong-sumpong eh. Tatlong araw na s'yang ganyan, simula nang manggaling kami sa Taal. Ayokong umasa agad pero hinala ko kasi buntis s'ya kaya s'ya ganito ngayon. "Check up? Hilo lang, check up agad, sayang pera," aniya. "Mas mabuti na iyong alam natin kung ano iyang nararamdaman mo, kesa nanghuhula tayo," sagot ko, "At saka hindi lang naman hilo 'yung nararamdaman mo lately, 'di ba? May time na nag