FOUR years. Apat na taon na pala ako dito sa Dubai ngayong araw na to. Lately na lang din nalaman ng magulang ko na dito ako nagpunta instead na sa California. Nung hinatid nila ako sa airport ang alam nila sa U.S. ako pupunta. Pero alam kong kaya akong hanapin ng mga Madrigal doon kung sakali kaya nagsinungaling ako. Sa viber lang kami nag-uusap ng magulang ko at ni Hannah. Hindi rin biro ang pinagdaanan ko dito sa Dubai. Mabuti na lang at nakontak ko si Phoebe. Kasamahan namin siya ni Hannah dati sa dating opisina ko pero nag-migrate na sila ng husband niya dito. Siya ang tumulong sa akin mula sa umpisa. Mula sa trabahong papasukan, sa bahay na titirhan at sa mga papeles na dapat kong i-produce.Mapagkakamalan mo na nga siyang politiko sa dami ng kilala

