I AM in my car now and heading home. Iniisip ko pa rin yung pinag usapan namin ni Mr. Araullo. Sabi niya, since nagkasundo na nga sila ni Papa ay wala namang problema na sa kanya. Ang magiging problema lang namin ay wala pang alam si Clover sa kasunduan. At yung boyfriend ni Clover. Ipinakiusap kong huwag na lang sabihin kay Clover yung tungkol sa arranged marriage namin at pumayag naman si Mr. Araullo.
PAGDATING sa bahay, I texted Adam.
To: Adam Zuniga
Bro thanks for the help. Appreciated much.
.
From: Adam Zuniga
Wala yun bro, as long as you are serious this time. I hope everything ends well? I am just a phone call away if you need my help.
.
KINABUKASAN, maaga akong nagising. Pagbaba ko sa dining area, I saw my parents eating breakfast. I joined them.
"Judd anak, is there a problem?" tanong ni Papa.
"Wala naman, Pa...."
"Iho, these past few days lagi ka kasing tulala. Napapansin namin ng Papa mo..." nag-alalang sabi ni Mama.
I just smiled.
"Umm...Ma...remember the lady you saw with me sa charity event?"
"Yeah! The girl you brought in the secluded area..."
Napangiti ako. Mama is teasing me.
"That's Clover."
"Okay..." sabi ni Papa.
"You see Ma...Pa...I think I want to court her...regardless of your agreement with the Araullo's..."
"At kailan ka pa natutong magpaalam sa amin sa panliligaw mo?' Papa looked amazed.
Natawa ako.
"You see Pa...this is my first time to court a girl....and....'
Nagulat ako nang tumawa nang tumawa si Papa.
"Really? My God! Son, isa kang Madrigal....walang Madrigal na torpe sa babae!" sabi nito.
Pati si Mama nakitawa din. Hindi ko tuloy mapigilang hindi pamulahan ng mukha.
"Wag nio naman akong pagtawanan ....you see, Pa, eversince hindi pa ako nagkaroon ng any serious relationship. Yung mga tumatawag dito sa bahay...puro fling lang yun."
"And you think this time ay seryoso ka na sa anak ni Renato?"
"I think so...Actually, I went to their house last night and seek the approval of Mr. Araullo before I begin courting her daughter...."
"You did that?" hindi makapaniwalang tanong ni Papa.
"Sinong kasama mong nagpunta?" tanong naman ni Mama.
"Well, Adam introduced me to him and then he leave me there..."
"Mabuti at hindi ka pinalapa sa aso nila."natatawang sabi ni Papa.
"So...what's your plan?" nakataas ang kilay na tanong ni Papa sa akin.
"Pa...Ma....if you will approve....I want you to accompany me with my second visit at the Araullo's??? Eto lang po ang naiisip ko na makakapagpatunay kay Clover na seryoso ako sa kanya. One more thing, pwede bang itago na lang natin kay Clover yung agreement nio ni Mr. Araullo?"
Maang na nakatingin sa akin sila Mama at Papa.
"Ayoko kasing isipin ni Clover na lliligawan ko lang siya dahil sa kasunduan." paliwanag ko.
"As you wish, son. You are our only son. Kahit anong mangyari, we will support you. Your happiness is our happiness..."
Napatayo ako ay saka inilang hakbang sila Mama at Papa para yakapin.
HETO kami ngayon nila Papa at Mama sa bahay ng mga Araullo. I am doing this for Clover. Kinakabahan ako. I am having butterflies again in my stomach.
Pumasok sila Renato at Clarissa Araullo sa kuwartong pinagdalhan sa amin. Tumayo kami nila Mama at Papa at bumati ng sabay sabay
"Good evening."
Nagkamayan ang dalawang matandang lalaki. Nagbeso naman ang dalawang matandang babae.
"Good evening, Sir." sabay kinamayan ko si Renato Araullo.
"Good evening din."
Si Mrs. Clarissa Araullo ay nakangiti sa amin.
"I am not expecting na dadalhin mo ang parents mo dito, Judd Madrigal," Renato Araullo started the conversation.
"Actually Sir, I brought my parents here to prove to you that I am serious to court your daughter. And I am aiming to win her heart."
Nakatitig lang si Renato Araullo sa akin na parang sinusukat ako. I gaze back letting him to scrutinize me.
"Felipe...Adelle....you have raised a good son here. Except, sa pagiging playboy niya...."
Nagtawanan naman yung tatlo.
"Young man...I know you have a quite reputation with women. And as a father, I don't want my only daughter to be in pain. Kahit na nakipagkasundo ako sa Papa mo, pwede ko bang ipakiusap sa yo na mahalin at igalang mo ang anak ko?"
Ouch! Sakit naman.
"Makakaasa po kayo, Sir. Promise, Sir I will take care of Clover. May isa lang po akong pakiusap."
"And what is that?" tanong ni Renato Araullo.
"Pwede po bang wag na lang natin ipaalam kay Clover yung tungkol sa kasunduan? I want this courtship to be a normal courtship." pakiusap ko.
"Well....."
Tumingin muna si Renato Araullo kay Papa bago ako binalingan uli.
"Kung sa tingin mo ay mas makakabuti yun, so be it." sabi nito na ikinangiti ko.
"Are you through? Mabuti pa, let's have dinner first. Paniguradong nagutom kayo sa pinag-usapan ninyo," nakangiting sabi ni Clarissa Araullo.
"Okay, let';s go!" sagot ni Renato Araullo.
Tumayo na ang lahat and then we went to the family's dining room. We were all seated and waiting for Clover. Yung katabi kong chair na lang ang bakante so dun siya naupo.
"Iha, what took you so long? Nakakahiya sa mga bisita," Clarissa Araullo asked Clover.
"Oh, really... it's okay Clarissa." sweet reply of my mom.
"Talaga palang you are pretty, Clover. Look Felipe, magaling talagang pipili ang anak mo." dagdag pa ni Mama.
Nakita kong nag-blush si Clover. Ang cute lang. Pero andun din ang pagtataka sa mukha niya. Naguguluhan kung anong nangyayari. Si Mama naman kasi napaka-vocal talaga.
"By the way, you can call me Tita Adelle. This is my husband, Felipe. Call him Tito Felipe."
Clover looked at her Mom na parang nagpapasaklolo. Tumingin din siya sa akin kaya nginitian ko siya ng ubod tamis pero nagbaling lang siya ng tingin.
Hmm...suplada pa rin.
The dinner was spent talking about the business world. Ayoko sana pero wala naman kasing ibang pwedeng i-topic. Pero si Mama napagdiskitahang tanungin si Clover.
"Clover, I guess business course din ang kinuha mo?" sabi nito.
"Umm...Tita hindi po. Accountancy po ang natapos ko and I am a CPA na din po. Sa Makati po ako nagwo-work kaya bihira lang po ako dito sa atin." she answered smiling.
Lihim akong napangiti. Once again, I was bewitched by her smile.
"Ow. I see...." Mama returned the smile.
"My son Judd graduated from Harvard. After high school sa U.S. na siya nag aral. And sa Canada siya naka-base for work. That's why hindi kayo familiar sa isa't isa. From time to time he visits us kaya siya andito ngayon."
Yan ang gusto ko sa yo Ma eh....back up kung back up hehe.
"Oh! Pano kung magkatuluyan sila ni Clover? Does this mean magiging long distance relationship sila?" si Clarissa Araullo naman.
Nakita ko si Clover na nasamid ...muntik nang maibuga yung iniinom niya.
"WHAT is this all about Mr. Madrigal?" nakataas ang kilay na tanong ni Clover.
Nasa may veranda kaming dalawa ngayon. Nagkayayaan kasi ang mga magulang namin na magkape after ng dinner namin pero eventually ay iniwan din nila kaming dalawa ni Clover dito. Ang mga magulang ko naman ay nagpaalam nang mauuna nang umuwi,
I smiled at her.
Bakit ba ang ganda pa rin ni Clover kahit nagtataray?
"Sweetie, I brought my parents here to prove to your mom and dad that I am very serious to court you." sabi ko sa kanya.
I saw her open and close her mouth.
"Makulit ka rin pala noh? Di ba sinabi ko na sa iyong may boyfriend na ko?" mataray pa ding sagot nito.
Nagjkibit-balikat ako.
"Well, I don't see any problem with that. Boyfriend lang naman. Hindi pa kayo kasal." kaswal na sagot ko.
"Ano ba talaga ang binabalak mo sa akin, Judd Madrigal? From a 'no one' na trato mo sa akin in our High School days, biglang ngayon darating ka dito at sasabihin mong liligawan mo ako? Excuse me? Hindi ko pinangarap na mapasama sa harem mo!" naniningkit ang matang asik niya sa akin.
Halikan ko kaya to nang mawala ang sungit!?
"Ouch, sweetie! Ang sakoit naman nun...Saka wala akong harem, excuse me din..." sabi ko sabay hawak sa dibdib ko sa tapat ng puso na para bang nasaktan ito.
"If I know, manhid na yang puso mo sa dami ng pinaiyak mong babae!" inis na sabi sa akin ni Clover.
"Sweetie, why are you so mad at me? Hindi pa nga tayo officially on may LQ na agad tayo?" pang-iinis ko dito,
"Hoy, Madrigal....tigilan mo na ko pwede ba?" kunot noo na sagot nito sa akin.
"Sorry. Pero hindi na kita titigilan, sweetie. If I were you, makipag-break ka na agad sa no-good boyfriend mo. Alam ko namang for sure, I am a better boyfriend than him." proud kong sabi.
"Grrr! Ikaw na yata ang [pinakamayabang na taong nakilala ko!" sagot niya sa akin sabay walk out.
Mga five minutes na ang nakaraan pero hindi pa rin bumalik si Clover.
Tinulugan na yata ako ng magandang mangkukulam na yun!
I got my cell phone from my pocket and composed a message.
.
To: Clover Araullo
Wala bang goodnight kiss man lang, sweetie? HIntayin kita dito para sa kiss ko.
.
From: Clover Araullo
Sweetie yourself !!! At saan mo ba nakuha ang number ko?
.
Naku! Ano bang isasagot ko? Hindi ko naman pwede sabihing dun sa receptionist sa gym. Malalagot ako kay Ava.
.
To: Clover Araullo
From your father?
.
From: Clover Araullo
Hindi ako naniniwala!
.
To: Clover Araullo
E di wag...anyway, it's not important anymore. I got your number already.
.
From: Clover Araullo
Iba-block ko ang number mo!
To: Clover Araullo
Let's see if you can do that.
.
From: Clover Araullo
Pwede ba? Please go to hell? Ang tahimik ng mundo ko noon.
.
To: Clover Araullo
Sweetie, hindi pwede doon kasi sa langit kita dadalhin lagi.
.
From: Clover Araullo
Bastos! Utang na loob. Umuwi ka na Judd Madrigal...
.
To: Clover Araullo
Not until you get back here?
.
From: Clover Araullo
At bakit ko naman kailangang bumalik diyan?
To Clover Araullo
Aw, come on sweetie. I deserve a goodnight kiss naman.
.
From: Clover Araullo
In your dreams!
.
~CJ1016