Alas tres na ng hapon nang matapos ang reception celebration ng kasal namin ni Judd. Sa wakas makakauwi na din... Gusto ko nang mahiga sa kama ko. Matulog nang bongga. Puyat ako. Hindi ako makatulog sa kakaisip ng lintik na kasalang ito! Tapos ang aga pa ding gumising dahil maaga dapat ayusan dahil kailangan mag-video at magpicture. Hinanap ng mga mata ko si Hannah sa assigned na upuan nito para yayain ko na siyang umuwi. Pero nagulat ako nang hinatak ako ni Judd para tumayo na sa pagkakaupo at lumabas sa lugar na iyon. "Hoy, saan mo ko dadalhin?" inis na tanong ko dito. Eh kasi naman makahila sa akin para namang naka-flats lang ako. Ang sakit-sakit na nga ng paa ko sa mataas na heels na sapatos ko! Wala akong narinig na sagot

