"May I dance with you, sweetie?" Bigla akong napatigil sa pagnguya. Napatitig ako kay Judd na nasa harap ko ngayon. "Wala namang tugtog, ah," sagot ko. "Don't worry. I will sing," sabi ni Judd. Natigilan ako. Ano ito? Deja vu? Naalala ko noong bago pa lang kaming mag-asawa at nag-prepare din siya ng romantic dinner. Ganito rin ang ginawa niya. Inaya niya akong sumayaw. "Sweetie?" Mabilis kong nilunok ang pagkain na nasa bibig ko at saka inabot ang kamay ni Judd para tumayo. "Anong kanta ang gusto mong kantahin ko?" tanong nito sa akin. "Bahala ka na," sagot ko. "How about Perfect by Ed Sheeram?" nakangiting tanong nito. Ngumiti din ako sa kanya bago ako sumagot.

