After that incident, napansin kong hindi ako masyadong pinapansin ni Judd. Kakausapin lang ako nito kapag kaharap namin si Cassandra. Halata kong umiiwas siya kapag ako lang mag-isa ang nasa sala or kapag ako lang ang kumakain sa mesa. Hinahatid pa din naman niya ako sa umaga at sinusundo sa pag-uwi pero hindi naman niya ako kinakausap sa sasakyan. Nag-iiba lang siya kapag dumating na kami sa bahay at kaharap na si Cassandra. Napabuga ako ng hangin. Ayaw ko sanang aminin sa sarili ko pero nababahala ako sa ginagawa ni Judd na hindi pagka-usap sa akin. Nasasaktan ako. Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot akong aminin na mahal ko pa rin pala si Judd. Parang bigla na lang na lahat ng galit ko sa kanya dati ay

