"Hannah!!!" Napalingon ako bigla. Napatigil sa ere ang kamay at braso ko sa aktong paghahagis ng ‘teks’. Naku! Lagot na naman ako! "Hannah!! Naglalaro ka na naman ng ‘teks’ na yan! L*ntik na! Ipapalamon ko sa iyo ang mga yan!" halos bumula na ang bibig ni Nanay sa galit habang papunta sa akin at may hawak na walis tambo. "Nay!" saka ko itinago sa likuran ko yung mga ‘teks’ na hawak ko. Nagkataon naman na napalingon ako sa gawing likuran ko para sana humanap ng mapagtataguan. Nakita kong padating sila Tatay saka ang apat na kuya ko. Nakapang-basketball uniform ang mga ito. Galing siguro sila sa pa-liga sa kabilang barangay. Agad akong tumakbo papunta sa kanila. "Tay! Si Nanay hahatawin na naman ako..." sabay tago ko sa likuran nito. "Ernesto, ilabas mo yang anak mo dyan!" sabi ni Nan

