Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon sa hospital. Hindi ko na nga alam kung paano ako naiuwi ni Duncan dito. Dumating din kagabi si Tito Hernan. Hindi naman niya ako pinagalitan. Pero kahit anong pilit niyang isama ako sa bahay niya ay hindi ako pumayag. Gusto kong dito din ako datnan ni Klarence. Kung saan nagsimula ang lahat. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Lagi kong dala ang phone ko saan man ako magpunta. Umaasa akong tatawagan or ite-text din ako ni Klarence kapag okay na siya. Kapag naalala na niya ako. Iniwan ko kasi sa kanya iyong number ko bago ako umalis ng kuwarto niya sa hospital. Tinatamad na dinukot ko ang phone sa bulsa ko. Duncan calling…. “Duncan." tinatamad kong sagot dito. ["Hulaan ko. Hindi ka pa nag-breakfast

