Matagal na akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng pad ko pero hindi ko magawang buksan ito. Deep inside, umaasa akong nasa kabila siya ng pintuang ito. Kung bakit naman kasi nagpadalus-dalos ako sa sinasabi ko... Nahiya na din naman akong bawiin kay Tito Hernan iyong narinig niya mula sa akin. Ako si Klarence Montenegro, at lahat ng sabihin ko ay walang pwedeng bumali. Dahan-dahan kong itinulak ang pintuan. Mas pinili kong umuwi dito sa pad ko mula sa hospital kaysa sa mansion ng mga Montenegro, kung saan naroroon si Auntie Elvira at ang anak-anakan niyang si Heather. Pagkapasok ko sa loob ng pad ay nakaramdam ako ng lungkot. Deep inside, umaasa akong aabutan ko si Annika dito. Kaya nga ako nagmamadaling magpunta dito. Pero mukhang nakaalis na siya. Ni bakas na andito siya sa bahay ko ay

