"If you ever start to miss me, remember I didn't walk away. You let me go...." "Becca. Please tell Tito Hernan to go to my office. Now!" sabi ko dito sa intercom. Nasapo ko ang ulo ko. This could not be happening... Nakarinig ako ng tatlong katok. Pagkatapos ay iniluwa ng pintuan si Tito Hernan. "Klarence--" "Tito Hernan, saan napunta ang One Million?" seryoso kong tanong dito. "What One Million?" kunot-noong balik-tanong nito sa akin. Napatayo ako mula sa upuan ko. "Ano ito, Tito Hernan? Nawawalan ng isang milyon ang kumpanya nang wala kang alam? Of all people, ikaw lang ang inaasahan kong magmamalasakit sa kumpanya ko. And yet, pinabayaan mo habang wala akong malay doon sa hospital?" galit kong sabi dito. Nakita ko sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Pero kumpanya ng mg

