"Lulunurin mo na lang ba ang sarili mo sa alak?" sita sa akin n Adam na kadarating lang at may bitbit na take out na pagkain. Dito muna ako pansamantalang nakatira sa bahay niya. Ayoko kasing makita ako ng mga magulang ko na ganito. Ayokong mag-alala sila. Isa pa, nung mabalitaan ni Moana na nagkalabuan kami ni Clover ay bumalik uli ito sa bahay namin. Magulo na nga kami ni Clover ngayon, makikigulo pa siya! Pagak akong tumawa kay Adam. "Kaya siguro ayokong main-love noon. Masakit pala kapag na-broken hearted ka. Ang sakit...sakit...dito..." sabi ko at saka pinukpok ng dalawang beses ang dibdib ko. Umiling si Adam. "Tsk! Mukhang malakas talaga ang tama mo kay Clover ah. Too bad, kung kung kailan ka tinamaan, sabay ka ding nasaktan." k

