"Bestfriend, nasa lobby yung pulis na may hawak sa kaso mo." sabi ni Beron nang pumasok sa opisina ko. “Tanghaling tapat naman yun manligaw!” "Baliw. Magbibigay lang iyun ng status dun sa holdaper," tinatamad na sagot ko dito. Nakahilata ako dito sa sofa. Mula nung mangyari yung panghoholdap sa akin ay hindi na ko halos napagkakatulog sa kaka-isip ng paraan kung paano makakaipon ng pambayad kay Mrs. Apacible. Hanggang sa Biyernes na lang ang ibinigay na taning nito sa akin. Nakiusap ako ditong bigyan pa ako ng extension pero katwiran ng matanda ay kailangan na niya talaga yung perang ipinahiram sa akin. Wala naman akong magawa na. Kung andito lang si Klarence. Mabilis iyong makaisip ng solusyon. Magaling kasi siyang businessman. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at saka tumuwid n

