Judd calling... . Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Tiyak itatanong ni Judd kung nasaan na ko. Alangan namang sabihin kong andito ako sa condo. Magtataka yun. Di ko naman pwedeng sabihin na andun pa ko sa resto bar baka mauna pa siyang makarating doon. Sa taranta ko ay wala akong ibang naisip kundi lumabas na ng condo para umuwi na sa condo ni Judd kung saan kami nag-stay. Nagpasalamat ako nang pagbaba ko sa lobby ay may taxi na nakaparada. Agad-agad akong sumakay at nagpahatid sa condo ni Judd. Mayamaya ay muling nag ring ang cell phone ko. Si Judd uli. Huminga muna ako ng malalim bago lakas-loob na sinagot ang tawag niya. "H-hello..." Sana lang hindi mahalata ni Judd ang pagka-utal ko. ["Asan ka..."] mahinang sabi nito. Marahil ay inaanto

