Nahinto ako sa pag iisip nang may tumapik sa balikat ko. Andito na pala si Adam. "Bro, mukhang kanina ka pa dito ah. Magpapakalasing ka ba ngayon? May problema ba?"sunud sunod na tanong ni Adam habang sinusuyod ng tingin yung mga basyo ng alak sa harap ko. Humarap ako kay Adam at saka nagkibit-balikat. "Sabihin na nating celebration ng pag-alis ko sa pagiging bachelor ko?" "Whoah!" namimilog ang mga matang komento ni Adam. Umupo ito sa upuan sa tapat ko. "Sinong pumikot sa iyo?" tanong nito. Hindi ko napigilang bahagyang matawa. "Si Clover." maikling sagot ko. "Joke ba yan, Judd?" tanong nito. "Sa tingin mo ba, magyayaya ako dito para maglasing kung joke iyon?" tanong ko dito at saka nagsal

