[Judd] Bahagyang nakabukas ang blinds ng bintana kaya nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sakto sa mga mata ko. Antok na antok pa ako kaya bumaling ako patalikod para iwasan ang pagkasilaw. Hindi ko na inabalang idilat ang mata ko sa sobrang antok ko. Pero nang idipa ko ang braso ko para sana yakapin si Clover ay bigla akong napadilat. Nag-iisa lang ako sa kama. Nasaan na naman si Clover?! Bumalikwas ako ng bangon ako at saka pumunta sa CR ng kuwarto, pero walang tao doon. Sumilip na din ako sa walk-in closet pero wala din si Clover doon. Napasabunot na lang ako ng buhok ko. Umalis na naman ba siya? Bumalik ako sa kama namin at umupo sa gilid. Ano bang gagawin ko? Sinong tatawagan ko? Ayoko nang mag-alala ang mga magulang namin

