“Kuya, paki bilisan naman po,” sabi ni Zyren sa driver ng trycycle na kanyang sinasakyan dahil late na siya sa trabaho. Tinanghali kasi siya ng gising. Kung bakit kasi nakalimutan niyang mag-alarm, ayan tuloy, late na siya. Unang araw pa man din niya bilang executive assistant tapos late siya. “Ito ho bayad ko kuya.” Kaagad inabot ni Zyren ang bayad pagkababa niya at mabilis ang hakbang na pumasok sa building. “Good morning ma’am, Marie. Late ka yata,” bati sa kanya ng company guard na ni Tonyo. “Magandang umaga rin po,” aniya na mabilis ang hakbang papasok sa loob. “Dahan-dahan lang, Ma’am, baka madapa ka,” pahabol pa na sabi ni Tonyo sa kanya. Itinaas lang niya ang kamay niya at nag-thumbs up saka dumiretso na sa elevator. Pagkarating sa 27th floor at pagkalabas ng elevator ay nakas