“Siya nga pala, may pupuntahan pa tayo,” wika ni Lorrenze. “Hah? Saan po?” “Diyan lang,” tugon nito. “Rides ho ba ulit?” tila nag-alangan pa ang dalaga. Although nakadalawang subok na siya, hindi pa rin niya maiwasang matakot. “No! Akin na iyan tubig mo,” sabi pa nito saka kinuha kay Zyren ang bote ng mineral. Ibinigay naman iyon ni Zyren. “Tara na?” Tumango lang ang dalaga saka tumayo na mula sa upuan at sumunod na sa boss niya. At habang naglalakad, hindi niya napigilang ang mag-isip. Saan naman kaya niya ako dadalhin? “We’re here,” wika ni Lorrenze sabay turo sa isang malaking machine na may lamang malalaking stuff toys. Napatingin si Zyren sa machine. At nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkamangha. Gustong-gusto kasi niya iyong gano’n kalalaking stuff toys. “Nasubukan mo n