Tumunog na ang elevator na hidyat na ng pagbalik nila sa trabaho. Umiling siya’t bumuntong hininga. My goodness, Zyren! Your monologue sounded so malandi! Nakakahiya sa mga walang jowa! Pangaral ng isang bahagi ng isip niya. Tumikhim siya at iniwasang mag-isip ng kung anu ano. At nang makarating sa harap ng pinaka-opisina niya, agad siyang umupo sa harap ng table niya at tinuloy ang naudlot na trabaho. Hindi niya napansin si Lorrenze na hindi pumasok sa opisina nito’t nakamasid lang hanggang sa biglang tumukod ang kamay nito sa table niya. “Yes, Sir?” She felt proud when she managed to sound calm when she felt screaming in confusion. Bakit kasi hindi pa ito pumasok sa loob? Ginugulo nito ang sistema niya! Lalo na ang nanganganib niyang matres at kepyas na mukhang naglalaway na naman