/ “Magandang umaga po Miss Marie,” bati ng guwardya kay Zyren pagkapasok niya sa building. Kilala na siya nito dahil madalas niya itong bigyan ng pagkain o pangkape kapag nadadaanan niya. Ito rin ang bukod tanging tumatawag sa kanya ng Marie sa kumpanya. “Magandang umaga rin po Mang Tonyo,” ganting bati niya rito. Maganda talaga ang mood niya ngayong araw dahil nasa gitna na siya sa kanyang pinapanood na nobela. Iyon ang tanging libangan niya parang lang makalimot sa mga bagay na nagpapalungkot sa kanya. Iyon ay ang maalala ang mga magulang nila. Kapag wala kasi siyang pinagkakaabalahan ay nami-miss niya ang mga ito dahilan para malungkot siya. Kahit pa kasi salat sila sa buhay ay masaya ang pamilya niya. Maganda ang samahan nilang magpamilya at iyon ang bagay na nami-miss ng da