“Wow, ang ganda naman ng upuan na iyon,” sambit ni Zyren nang makita ang isang upuan na pa-curve ang hugis sa bandang sulok ng kuwarto ni Lorrenze. Nasa loob pa rin siya ng kuwarto nito ng mga oras na iyon dahil parang may kausap yata na importanteng tao kaya medyo natagalan ito sa labas. Bakit naman may ganitong upuan rito? Ang galing naman ng nag-design nito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad palapit sa nakita niyang upuan. Masakit pa rin ang bukana niya pero gusto niyang subukan umupo sa upuan na iyon. Kaya nang makalapit ay inupuan agad niya. “Ay, wow. Ang comfy naman pala nito,” aniya saka inihiga ang sarili upuan at ipinikit ang mga mata. “What are you doing?” rinig niyang sabi ni Lorrenze. Nakapikit siya kanina kaya hindi niya ito namalayang pumasok. “Nakaupo po