At around seven to eight in the evening, lumabas ng tent si Zyren. Sakto naman at maliwanag ang buwan kaya kitang-kita pa rin ang kapaligiran. Kahit medyo maginaw, gusto talaga niyang magpahangin para naman kahit papaano ay ma-relax ang sarili. Saka naka t-shirt naman siya kaya hindi siya masyado lamigin sa labas. Nagpasya siyang malakad-lakad sa dalampasigan. Nang marating ang malaki at malapad na batong inuupuan niya kanina ay doon rin siya umupo. Mas maganda kasi ang view doon. Kitang-kata ang buwan. Hindi niya nakita kanina ang paglubog ng araw kaya ang buwan na lamang ang panonoorin niya. Isa rin sa mga nahiligan niya ay ang pagtanaw sa buwan. Napaka payapa kasi at ang ganda. At sa tuwing may mabigat siyang dinaramdam, palagi siyang tumatanaw sa langit at buwan pati na rin ang mga nag