LOVE CONFESSION CHAPTER 62 KINABUKASAN ay pinuntahan nina Dana at Shaina si Xander sa bahay nila. Nagtanong- tanong sila kung saan ito nakatira. Nakailang door bell muna ang dalawa bago sila pinagbuksan. Kapansin- pansin ding walang mga guards na nagbabantay. Nagpasalamat ang dalawa nang papasukin na sila sa loob. Nakita nila ang isang Ginang na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo. "Magandang araw po!" bati ng dalawa. Tumingin ang Ginang at mabilis na tumayo saka ngumiti kina Dana at Shaina. "Anong kailangan ninyo mga dilag? Isa ba kayo sa mga nagnanais na masungkit ang aking anak? I'm sorry to tell you that, nagwala siya kagabi. He fired all the guards and maids except his Yaya. He hates us until now at nasa Condo na siya ngayon pagkatapos niyang bagyuhin ang bahay kagabi." S