LOVE CONFESSION CHAPTER 34 TUMUPAD naman sa usapan si Xander. Inihatid niya nga si Celine bago dumilim. Mabilis lang din silang nakarating sa bahay ng dalaga. "Matutulog ako sa bahay namin ngayong gabi. Kaya time out muna tayo at para mapabalik mo ang iyong lakas. See you tomorrow, dito ako manananghalian. And, huwag ka ng magluto dahil oorder na lang ako." Wika ni Xander nang makapasok na sila sa loob. Tumatango- tango lamang ang dalaga habang nakikinig sa binata. "And don't worry, walang love making na magaganap muna. In case na may kailangan ka, tawagan mo lang ako." Pagpapatuloy na sabi ng binata. "Opo!" tugon ng dalaga. Napangiti si Xander at mabilis siyang kinantalan ng halik. Medyo matagal iyon at natatangay na naman si Celine. Sa pagsipsip ni Xander sa kanyang dila ay napaun