LOVE CONFESSION CHAPTER 19 HINANG- HINA si Celine nang makarating siya ng Manila. Pakiramdam niya ay nagkasakit siya ng ilang linggo. Parang lantang gulay at nanginginig ang kanyang mga tuhod. Kumikirot ang ulo na parang umiikot ang kanyang buong paligid. Kung kaya't pabagsak siyang dumapa sa sariling kama at muling hinila ng antok. Ni wala itong kain o inom man lang ng tubig habang nagda- drive dahil lumilipad ang isipan nito. Lumilipad na naguguluhan dahil sa mga nangyari sa Baguio. Nahiling ng dalaga na sana ay panaginip na lamang ang lahat. At hindi totoong nangyari lalo na ang namagitan sa kanilang dalawa ni Xander. Hatinggabi na nang muling magising si Celine. Kinapa niya ang kanyang phone sa ibabaw ng kanyang side table. Maraming miss calls at text messages ang nasa kanyang notif