LOVE CONFESSION CHAPTER 65 HALOS hindi na nga nakatulog si Celine sa kakaasang matatagpuan na nila si Xander bukas. Kung puwede lang sanang hilahin ng dalaga ang oras ay gagawin niya. Naramdaman siguro nina Dana at Shaina na hindi mapakali si Celine kaya bumangon ang dalawa. "Hindi ka ba makatulog?" tanong ni Dana habang umupo ito sa gilid nf kama ni Celine. Mabilis na tumango ang dalaga. "Matulog ka na para mas fresh kang tingnan bukas. Baka magkaka- eye bag ka niyan babawiin pa ni Xander ang magpakita sa'yo." Wika naman ni Shaina. Mabilis na siniko ito ni Dana at pinandilatan. "Ang laki siguro ng galit mo sa akin ano? Kaya ganyan ka makapagsalita," baling ni Celine kay Shaina. "Aba! Nakalimutan mo na ba mga pinagsasabi mo noon sa akin? Lintik lang ang walang ganti!" sagot ni Shai