LOVE CONFESSION CHAPTER 45 NAPAKABILIS ng pagpapatakbo ni Xander sa kanyang kotse. Halos mabingi naman si Celine sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kung kaya't napapapikit na lang ito at napapausal. Namalayan na lamang ni Celine na nasa harapan na sila ng kumpanyan nina Xander. Halos lumangitngit ang mga gulong ng sasakyan ng binata. Kapwa sila walang imik at nakatingin lang sa wind shield ng kotse. "Sino siya?" kapagkuwan ay tanong ni Xander. Napalunok ang dalaga. "M- Mahabang kuwento," mahinang sagot ni Celine na napatungo at nilaro- laro ang sariling mga daliri. Bumuntonghininga si Xander at tumingin kay Celine. "I'm sorry sa nagawa ko! Hindi ko lang napigilan ang aking sarili lalo pa't mukhang hindi ka niya tatantanan." Tumingin din si Celine kay Xander at ngumiti. "Salamat