LOVE CONFESSION CHAPTER 38 MATAPOS ang masayang tsikahan at kumustahan ng tatlong magkakaibigan ay masaya na ang mga itong nagkahiwa- hiwalay. Magaan naman na ang pakiramdam ni Celine na bumalik na sa kanyang boutique. Naratnan niyang naroon na rin ang tatlo niyang kasama. Tinanguan niya lang ang mga ito at nginitian. Marami pa siyang aayusin tungkol sa mga orders lalo pa't tila marami ang ikakasal ngayon. Natigilan si Celine nang maagaw ang kanyang pansin sa isang wedding dress na simpleng tingnan pero attractive. Wala sa isip niyang hinaplos iyon at pinakatitigan. Nabuo ang isang tagpo sa kanyang malikot na isipan. Na siya habang suot ang pangkasal na iyon at naglalakad sa aisle. Habang hinihintay naman siya ni Xander sa harap ng altar. Nakangiti ang dalaga nang napakatamis habang magk